in

Nadine Lustre aminadong ayaw pa magka-anak, pag-aampon muna ang kanyang option

Wala pa umano sa plano ng aktres na si Nadine Lustre ang magbuntis at magkaanak.

Mala-Angelina Jolie ang peg ng aktres, Sa halip daw kasi na magkaroon siya ng sariling anak. Mas gusto niyang mag-ampon ng bata para siya ang mag-alaga at magpalaki.

Ayon kay Nadine, kung noon at palagi niyang sinasagot sa mga interview at gusto niyang magkaroon ng dalawang anak, nag-iba na raw ang plano niya ngayon.

Ito ay kanyang sagot sa tanong ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo. Kung ilan ang gustong magiging anak ng aktres.

“Before, every time people would ask me that, I would say two. But now, I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at,” sabi ni Nadine sa vlog ni Teo

Ayon sa aktres gusto raw muna niya magkaroon ng ampon.

“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” sabi pa ni Nadine.

Peru kung sakalang mabuntis man ay itutuloy niya ito.

“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at— I would rather adopt,” pahayag ng aktres.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsabi si Nadine na hindi muna niya gustong magkaroon ng anak sa panahon ngayon.

Pero nabanggit naman ng ka-loveteam at ex-girlfriend ni James Reid, kung sakaling mabuntis siya, paninindigan niya ito at gagawin ang lahat para maging mabuting mommy.

Narito ang kanilang usapan ni Dra. Aivee Teo:

Andi Eigenmann masayang sinalubong ang panganay na anak na si Ellie sa pagbabalik nito sa Siargao

Jake Ejercito ginulat ang netizens sa sinabi niya tungkol sa kanyang lovelife ngayon