in

Andi Eigenmann masayang sinalubong ang panganay na anak na si Ellie sa pagbabalik nito sa Siargao

Lubos ang kasiyahan ni Andi Eigenmann ng salubungin niya ang pagbabalik ng kanyang anak na si Ellie sa Siargao.

Trending ngayon sa social media ang latest vlog update ng Happy Islanders.

Makikita kasi dito kung gaano kasaya ang buong pamilya ni Andi sa muling pagbabalik ng kanyang panganay sa Isla.

Matagal rin kasi ang inilagi ni Ellie sa Maynila para makasama at maka-bonding ang daddy nitong si Jake Ejercito.

Sa nasabing video, kitang-kita ang pagkamiss ni Andi kay Ellie ng salubungin niya ito. Isang mahigpit na yakap agad ang ginawa ni Andi sa kanyang panganay.

Habang naghihintay naman sa sasakyan ay ang fiance ni Andi na si Philmar Alipayo ang kumukuha ng video.

Maririning naman na excited na din ang kapatid ni Ellie na si Baby Lilo na makasama muli ang kanyang ate.

Habang nakatingin kasi sa labas kung nasaan ang mag-ina ay panay ate na si baby Lilo habang nakangiting sinalubong si Ellie sa pagpasok nito sa sasakyan.

Tuwang tuwa naman ang kanilang mga viewers dahil sa naging reaksyon ni baby Lilo.

Samantala, nang makabalik na sa isla ay makikitang deretso surfing na nga si Ate Ellie. Tila miss na miss na nito ang mga activities niya sa isla.

Maliban dito, kinagiliwan din ng marami ang naging bonding moments nila Andi, Ellie at Philmar. Habang naglalaro sila ng jackstones.

Ayon pa nga sa ilang netizens ay sanay na sanay na si Ellie sa simpleng buhay sa isla. Kahit pa mulat siya sa buhay sa syudad kasama ang kanyang daddy Jake.

Panoorin dito ang kanilang vlog:

May parating nang baby? Dennis Trillo namanhikan na ‘daw’ sa pamilya ni Jennelyn Mercado?

Nadine Lustre aminadong ayaw pa magka-anak, pag-aampon muna ang kanyang option