in

Kylie Padilla nilinis na ang pangalan ni AJ Raval, hindi daw ang aktres ang third party; gusto na mag move on

Sa wakas, pinili nang mag salita ni Kylie Padilla tungkol sa kanilang kontrobersiyal na hiwalayan ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

Hindi na natigilan ang fans ni Kylie pagtapos lumikha muli ng ingay ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa.

Una nang lumabas ang balita na hiwalay na ang dalawa nang mag post ng cryptic messages ang aktres sa kanyang social media.

Hanggang sa kinumpirma na humantong na nga sa hiwalayan ang kasalang Kylie at Aljur.

Pero hindi nagtapos ang isyu dito nang ma-link ang aktor sa aktres na si AJ Raval. Kalaunan ay inamin na din ng rising actress na nililigawan siya ni Aljur.

Ilang araw nga lang ay nakita sila sa mall na magka akbay at magka holding hands na agad nag viral sa social media. Naka like pa nga dito si Kylie.

Makalipas ang ilang linggong pananahimik tungkol dito, kumakalat ngayon sa social media ang di umano’y screenshots ng isang group chat kung saan kasali mismo si Kylie.

Makikita sa chat na sinabi ng aktres sa kanyang mga fans, “And yes, I just want to confirm hindi nga si AJ ang third party.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko na mag move on.”

Heart Evangelista hindi pinalagpas ang below the belt comment ng isang netizen

Alex Gonzaga may makahulugang post sa gitna ng isyu na ‘nakunan’ diumano siya ayon kay Lolit Solis