in

Heart Evangelista hindi pinalagpas ang below the belt comment ng isang netizen

Response with a class.

Iyan ang ipinakita ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pagsagot niya sa kanyang basher.

Marami ang kinilig sa ‘A Mini Honeymoon With Chiz In Balesin’ content ni Heart Evangelista sa kanyang YouTube channel.

Sa videong iyon ay ipinakita kung paano ba maglambingan ang mag-asawa tuwing silang dalawa lang ang magkasama. Mini honeymoon nga kasi iyon, na kahit isang alalay o bodyguard, wala silang kasama.

Napakaseksi din ni Heart na nakabikini lang sa harap ng kanyang mister habang nage-exercise.

“We haven’t been seeing each other a lot lately so when we finally had time to be together, Chiz and I decided to take a mini honeymoon in Balesin. Watch us play a fun game of ‘Never Have I Ever’ and celebrate life’s little moments by the sea. This is going to be a really laid-back vlog so I hope you enjoy watching as much as I enjoyed filming this!” saad ni Heart sa nasabing video.

Marami naman sa mga fans ng actress ang natuwa at kinilig sa bonding nila ng kanyang mister. Ngunit syempre, hindi pa din mawawala ang mga negative thinker.

May isang basher ang sinilip na naman ang hindi pagkakaroon ng anak ni Heart.

Saad ng isang netizen, “Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak.”

Tila napikon naman si Heart sa komentong ito at hindi niya ito pinalagpas. Napamura na rin si Heart dahil sa below the belt na comment na ito.

Matapang na sagot dito ng aktres, “Ul0l- the only word you can understand.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinagot ni Heart ang mga basher niya.

Kamakailan nga lang din ay sinagot niya ang mga nagsasabing kaya ayaw niya magbuntis ay dahil baka masira ang kanyang figure.

Janine Gutierrez nilayasan ng kanyang driver, may hugot tungkol sa mga taong ‘nangiiwan’

Kylie Padilla nilinis na ang pangalan ni AJ Raval, hindi daw ang aktres ang third party; gusto na mag move on