in

Alex Gonzaga may makahulugang post sa gitna ng isyu na ‘nakunan’ diumano siya ayon kay Lolit Solis

Tila idinaan ni Alex Gonzaga sa mga makakahulugang post ang kanyang reaksyon sa naging pahayag ni Lolit Solis.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media si Alex dahil sa IG post ni Lolit Solis.

Kung saan ibinunyag ng talent manager at batikang kolumnista na ‘nakunan’ umano ang aktres. Sa sana’y panganay na anak nila ng asawang si Mikee Morada.

Ayon sa talent manager, naawa at nalungkot siya sa balitang ito tungkol kay Alex. Sinabi rin niya na marami sa mga tagahanga ng aktres ang nag-aalala dito at nais malaman kung ano ang totoong nangyari.

“Pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o [ang kapatid nito na si] Toni Gonzaga hintayin,” aniya.

Tila hindi naman nagustuhan ni Mikee ang naging komento ni Lolit tungkol sa misis nito. Napuno ng sakit at dismaya si Mikee nang makarating sa kanya ang balitang ito.

Samantalang naging tikom pa din hanggang ngayon ang bibig ni Alex hinggil sa isyung ito. Pero tila idinaan na lang ng actress-TV host vlogger ang kanyang sagot ukol dito.

Nauna nang nagbahagi si Alex ng isang art card sa kanyang IG Story kahapon na may message na “you can be kind and still say NO”

Kasunod naman nito ay isang makahulugang tweet din ang ibinahagi ni Alex ngayong araw.

Aniya, “Good morning! This is a reminder that there are people who are fighting their own personal battles silently, everyday. Please be kind”

Agad itong nakatanggap ng likes at niretweet pa ng marami. May mga nagsabi din na ‘pasaring’ ito ni Alex showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Kylie Padilla nilinis na ang pangalan ni AJ Raval, hindi daw ang aktres ang third party; gusto na mag move on

NEW COUPLE ALERT! Ivana Alawi at Marco Gumabao, nakuhanan na sobrang sweet sa isa’t isa