in ,

Mikee Morada nanawagan kay Lolit Solis dahil sa umano’y pagkalat ng tsismis na ‘nakunan’ ang asawang si Alex Gonzaga

Hindi maiwasang mag-react ng konsehal ng Lipa City na si Mikee Morada sa balita na ang asawa niyang aktres na si Alex Gonzaga, ay nakunan sa panganay sana nilang anak.

 

 

Kung matatandaan, ang batikang showbiz insider at talent manager na si Lolit Solis ang unang tumalakay tungkol sa tsismis sa kanyang Instagram.

 

 

Bagamat hindi niya tahasang sinabi na totoo nga ang nakakalungkot na balita, tila tinira naman ni Manay Lolit ang ina na si Mommy.

 

 

Ayon sa post ni Manay, nagalit daw ang ina ni Alex dahil may nag break agad ng balita sa social media.

 

Lolit Solis nalungkot sa balitang nakunan daw diumano ang vlogger at TV host na si Alex Gonzaga

 

Gusto daw ng pamilya na sa vlog daw ni Alex o ni Toni maging exclusive ang balita.

 

 

Sa kabila nito, ang asawa ni Alex na si Mikee Si Mikee, hindi napigilang magkomento sa post nito at itinuring na “nakakasakit ng puso” at “nakakadismaya.”

 

 

“Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa,”

 

 

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”

 

 

Kung ating babalikan, noong unang bahagi ng taong ito nang maging usap usapan ang tungkol sa sinasabing pagbubuntis ni Alex.

 

 

Makalipas nga ang ilang buwan, nagsalita si Alex tungkol sa kanyang mga saloobin sa pagiging magulang.

 

 

Bago pa nito, sinorpresa din ni Alex ang kanyang mga fans sa pag anunsyo ang kanilang biglaang pagpapakasal ng long time boyfriend noong January.

 

 

Ngunit lumabas sa mga reports na naganap ang intimate wedding sa kanilang tahanan nung nakaraang taon pa.

 

 

Kung tutuusin wala naman issue kung magbubuntis man si Alex. Kasal naman na siya, ang masama, yung mga taong pilit silang hinahanapan nang ikakasira nila.

 

 

Ano pong masasabi niyo dito? Tama ba ang ginawa ni Manay Lolit?

Lolit Solis nalungkot sa balitang nakunan daw diumano ang vlogger at TV host na si Alex Gonzaga

Jake Cuenca napagkamalang miyembro ng hinahabol ng mga pulis sa bu’yb’ust 0peration kaya nadamay