in

Janine Gutierrez nilayasan ng kanyang driver, may hugot tungkol sa mga taong ‘nangiiwan’

Isang nakakatuwang kwento tungkol sa mga iniiwan ang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Sa kanyang Twitter account, sinimulan ni Janine ang kanyang kuwento gamit ang isang babala.

Aniya, “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko.”

Ayon kay Janine, ang taong nang-iwan sa kanya ay ang kanyang driver. Umabot na umano ito sa Mandaluyong nang hindi namamalayan na wala siya sa kotse.

Dugtong pa ni Janine, kinailangan niya pa ang tulong ng kanyang ama na si Ramon Christopher para mabalikan siya ng kanyang driver.

Tawang-tawa naman ang se’xy actress na si Ivana Alawi at ang iba pang Twitter followers ni Janine sa kanyang kuwento.

Ayon pa nga sa isang netizen ito ang “Funniest tweet of the day,” at tinawag din itong “pinakanakakatawang tweet na nabasa ko” ng isa pa.

May ilang nagkomentong nangyari na rin sa kanila, o sa isa nilang kakilala, ang hindi sinasadyang maiwan ng driver.

Kabilang sa mga naka-relate sa kuwento ni Janine ang kapwa niya aktres na si Bela Padilla.

Reply ni Bela: “This has actually happened to me hahahha”

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Kapamilya actress sa nangyari sa kanya.

Ang iba namang Twitter followers ni Janine, nagawa pang hugutan ang kuwento niya tungkol sa mga iniiwan at nang-iiwan.

Desiree Del Valle at Boom Labrusca lubos ang kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay

Heart Evangelista hindi pinalagpas ang below the belt comment ng isang netizen