in

Desiree Del Valle at Boom Labrusca lubos ang kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay

Hindi maitago ng celebrity couple na sina Desiree Del Valle at Boom Labrusca ang kanilang kagalakan. Sa pagdating ng kanilang panganay.

Masayang ibinalita ng mag-asawa sa publiko na finally ay nasilayan na nila ang kanilang first child. Na matagal-tagal din nilang hinintay.

Sa instagram post ni Boom ay masaya nito ipinakita ang mukha ng kanilang healthy baby boy na pinangalanan nilang “Alexander Sebastian Dunham Labrusca”.

Isinilang ito ni Desiree nito lamang October 4, 2:14 ng hapon. Hinangaan rin ni Boom si Desiree dahil sa pagiging matatag nito.

Aniya sa kanyang caption, “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife. Good job mommy”

Saad pa ni Boom hindi matutumbasan ng prisensiya ng isang ama ang hirap ng ina sa panganganak.

“Maaring anduon tyo sa Kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao.”

Pinasalamatan din ng aktor ang mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanyang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by boom labrusca (@boomeey)

Isang video naman na kuha bago siya manganak ang ibinahagi ni Desiree kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

“As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post. “Thank you Lord for our son,” dagdag pa ni Desiree.

Kung matatandaan, sinabi ni Desiree na hindi nila maipaliwanag ni Boom ang kanilang nararamdaman nang nalamang magkakaroon na sila ng baby.

Ikinasal ang celebrity couple noong January, 2018.

Jake Cuenca napagkamalang miyembro ng hinahabol ng mga pulis sa bu’yb’ust 0peration kaya nadamay

Janine Gutierrez nilayasan ng kanyang driver, may hugot tungkol sa mga taong ‘nangiiwan’