in

Lolit Solis nalungkot sa balitang nakunan daw diumano ang vlogger at TV host na si Alex Gonzaga

Laman ng balita ngayon ang aktres,vlogger, at TV host na si Alex Gonzaga dahil sa ibinalita ni Lolit Solis.

Noon paman ay usap-usapan na ng mga netizens ang mga larawan ni Alex Gonzaga. Na kumakalat sa social media na sobrang laki ng kanyang tiyan.

Sa mga nasabing larawan ay makikita na parang nagdadalang-tao ang actress/vlogger ngunit hindi naman ito kinumpirma ng pamilya Gonzaga.

Kaya naman nabahala ang fans ni Alex ng pangalanan siya ni Lolit Solis na tinutukoy umano sa isang blind item. Na isang TV host ang diumano’y nakunan.

Wala namang inilalabas na statement ang kampo ni Alex kaya nagulantang ang lahat sa ipinahayag ni Manay Lolit.

Sa kanyang Instagram post saad ng batikang kolumnista, Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.”

Ayon kay Lolit, gusto daw gawing exclusive content ni Alex ang balitang ito sa kanyang YouTube channel. Bukod dito, pinuna pa niya ang desisyon ng aktres na idaan pa daw ito sa vlog.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita,” komento ni Lolit.

“Eh married naman si Alex, at paano itatago nag medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaroon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen,” dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng pahayg ni Lolit Solis ukol dito:

Actor Jake Cuenca, kalaboso matapos takbuhan at takasan di umano ang nabangga, isang grab rider natamaan

Mikee Morada nanawagan kay Lolit Solis dahil sa umano’y pagkalat ng tsismis na ‘nakunan’ ang asawang si Alex Gonzaga