in

Willie Revillame, walang balak pasukin ang politika “wala akong alam sa batas…”

Walang balak pasukin ni Willie Revillame ang politika.

Ito ang sinigurado ng TV host sa kanyang mga manonood noong October 7, sa mismong show niya na Tutok to Win.

Opisyal nang nag file ng mga Certificate of Candidacy ang mga politiko na nais tumakbo para sa halalan 2022.

Pero hindi dito isa ang television host na si Willie Revillame.

Sa kanyang naging pahayag kahapon, malinaw na walang balak umupo sa pwesto sa gobyerno si Willie.

Paliwanag pa niya, hindi daw para sa kanya ang politika dahil wala naman siyang alam tungkol dito. Hindi din daw sapat ang kagustuhan na makatulong sa iba para opisyal na pasukin ang batas.

“Kung sakaling tatakbo ako sa senado hindi naman ako magaling mag-English, wala akong alam sa batas, baka lait-laitin ako roon.”

“Baka wala rin naman ako maiambag na batas, o dumating yung time na sayang din ang boto niyo sakin.”

Mariin din niyang sinabi ang dapat obligasyon ng na sa senado.

“Kabutihan lang ba dapat mong gawin kapag nasa senado ka? Dapat marunong ka magbasa ng batas, dapat marunong ka gumawa ng batas,” dagdag pa ni Willie.

Maraming netizens naman ang natuwa sa naging pahayag na ito ni Willie.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Very well said, Willie. You did a good decision. You could have a good sleep and peace of mind”

“Tama ang mga sinabi mo Willie , you made the right decision not to run for senator.”

“Salute you kuya Wil you are a true public servant even you are not a politician tama yan ang mga sinabe mo at desisyon mo. God Bless you po”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Mitoy Yonting pinasok na din ang pagtitinda ng milk tea bilang negosyo

Actor Jake Cuenca, kalaboso matapos takbuhan at takasan di umano ang nabangga, isang grab rider natamaan