in ,

‘Sana lang ay alam ni AJ Raval ang kanyang pinapasok.’ – Ogie Diaz para kay AJ Raval at sa mapusok na ‘puso’ nito para kay Aljur

Ogie Diaz may mensahe para sa young actress na si AJ Raval at sa kontrobersiyal nitong estado kay Aljur Abrenica.

 

 

Inuulan ng samu’t-saring komento ngayon ang na sa “getting to know” stage ngayon na sina AJ at Aljur.

 

 

Matapos aminin ng aktres na nililigawan siya ng aktor, nakita naman silang magkasama sa isang shopping mall.

 

 

Maingay ang pangalan ng dalaga at ng dating asawa ni Kylie Padilla ngayon.

 

 

Kaya naman sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz update YouTube channel, isa na ito sa napag usapan nila ni Mama Loi.

 

 

Nag bigay din ng mensahe at komento ang komedyante para sa anak ng action star na si Jeric Raval.

 

 

Ani ni Ogie, sana lang daw ay alam ng dalaga ang kanyang pinapasok ngayon.

“Sana lang ay alam ni AJ Raval ang kanyang pinapasok.”

 

 

Pero ganito daw talaga kapag ang puso na ang gustong masunod, lahat daw ay gagawin masunod lamang ito.

 

 

Dagdag ni Ogie,

“Pero syempre, sabi nga nila, puso yan, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

 

 

Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Kylie sa kanyang naging Twitter post na napagkasunduan nila ni Aljur na pwede na sila pumasok sa ibang relasyon kung nanaisin nila.

 

 

Co-parenting din di umano sila sa kanilang dalawang anak na lalaki.

Narito ang video ni Mama Ogs:

Axel Torres, may nais nga bang ibunyag sa kanyang d ba sa kanyang ex-girlfriend na si AJ Raval at Aljur Abrenica?

Jeric Raval may ilang katanungan kay Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito kay AJ Raval