in

Mitoy Yonting pinasok na din ang pagtitinda ng milk tea bilang negosyo

Marami ang humahanga ngayon sa sipag at tiyaga ng singer at komedyanteng si Mitoy Yonting.

Sa lahat nang mga oportunidad na natanggap ni Mitoy, ang The voice Ph talaga ang naging turning point ng kaniyang buhay. Mas naging kilala siya at dumami pa ang kaniyang mga oportunidad na natanggap pagkatapos manalo.

Bumalik ito sa pag-aacting at ito pa ay naging judge sa Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime. Kaya kung iisipin, nakapag ipon na ito at nakapag pundar na ng maraming pera.

Ngunit hindi itinatanggi ni Mitoy Yonting na naging malaki ang epekto ng pandemya sa kanyang karera.

Nakapag-ipon man, ramdam pa rin ni Mitoy ang matinding epekto ng pandemya. At ito ang ibinahagi niya sa vlog ni Ogie Diaz.

“Pero ngayong panahon na ito medyo sanay na lang. Hindi ko na lang binubuwisit ang sarili ko kasi nga biruin mo since March last year, talagang as in ‘yung trabaho pasingit-singit,” pagbabahagi ni Mitoy.

Ayon kay Mitoy, sisiw lang daw para sa kaniya ang problemang ito kumpara sa pinagdaanan nila ng pamilya niya noon.

Saad niya, “Kaya lang siguro nakakangiti ako hindi naman sa pagmamayabang pero ‘yung darkest day at darkest hour, naranasan ko na ‘yon.

Nalagpasan ko ‘yon. Nalulungkot pa rin kami pero nalagpasan ko ‘yon. So itong pandemic, nandito pa naman tayo humihinga.

Mga kamag-anak, mga mahal sa buhay nandito, sama-sama kahit paano walang nagkakasakit. Positive thinker ako eh.”

Sa ngayon, pinasok ni Mitoy ang pagbebenta ng milk tea. Ayon sa singer higit sa tulong pinansiyal na nadudulot ng bagong negosyo ay ang sayang hatid nito.

Na mayroon silang napagkakaabalahan ng kanyang misis ngayong panahon ng pandemya

Ayon pa kay Mitoy siya mismo ang nagmamaneho ng kanilang milk tea rolling store. Habang ang kanyang misis at pamangkin niya naman ang nagtitimpla ng milk tea.

Kilalanin! Ang mga swerteng lalaking na-link at nakabihag na sa puso ni AJ Raval

Willie Revillame, walang balak pasukin ang politika “wala akong alam sa batas…”