in , ,

Kilalanin! Ang mga swerteng lalaking na-link at nakabihag na sa puso ni AJ Raval

Sino na nga ba ang swerteng lalaki na nakabihag sa puso ng isang AJ Raval?

 

 

Hindi maikakaila na may angking ganda ang anak ng action star na si Jeric Raval. Kaya ganoon na lamang ang atensyon na nakukuha nito mula sa kanyang mga fans.

 

 

Mabilis din ang pagusbong ng pangalan ng dalaga sa social media at maging sa industriya ng showbiz.

 

 

Pero kasabay ng kanyang kasikatan, nahaluan ngayon ng kontrobersiya ang pangalan ni AJ.

 

 

Ito ay matapos niyang aminin na nililigawan siya ng aktor at dating asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica.

 

 

Pero bukod kay Aljur, kilalanin natin ang iba pang lalaki na naging kasintahan ni AJ maging ang na-link sa kanya.

 

 

Una na sa listahan ang kanyang ex-boyfriend na si Axel Torres. Si Axel ang huling nobyo ng aktres bago ito ligawan ni Aljur.

 

 

Naging magkasintahan ang dalawa sa loob ng mahigit isang taon. Naghiwalay sila noong buwan nang Agosto kung saan inamin ni AJ na mas pinili niya ang kanyang career kesa love life.

 

 

Kaugnay nito, na-link din ang dalaga sa kanyang “Taya” co-star na si Sean De Guzman.

 

 

Kalaunan sa isang report mula sa Philstar, inamin din ni AJ na labis din pinagselosan ni Axel si Sean na isa sa naging dahilan nang kanilang hiwalayan.

 

 

“Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean.” 

 

 

Sa ngayon, si Aljur Abrenica ang huli sa listahan. Hindi pa kinukumpirma kung talagang magnobyo na nga sila.

 

 

Ngunit iba naman ang tingin ng mga netizens dahil sa kanilang mga kumalat na larawan together.

 

 

Namataan ang dalawa kamakailan sa isang mall na nagsho-shopping, at nakitang magkaakbay at mag holding hands din sa publiko.

 

 

 

 

Siguradong maraming naging interesado lalo na kilalanin itong si AJ. Anong masasabi niyo?

 

 

Jeric Raval may ilang katanungan kay Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito kay AJ Raval

Mitoy Yonting pinasok na din ang pagtitinda ng milk tea bilang negosyo