in

Jeric Raval may ilang katanungan kay Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito kay AJ Raval

Nagkaharap na sina Jeric Raval at ang manliligaw ng kanyang anak na si Aljur Abrenica.

Hot issue nga ngayon sa social media sina AJ Raval at Aljur Abrenica. Inamin na kasi ni AJ sa publiko ang real score nila ng aktor.

Bagamat puro negative reactions ang natanggap ng dalawa mula sa maraming netizens ay dedma lamang sila.

At dahil nga dito, ang pinaka inaabangan ng lahat ay ang magiging reaksyon ng ama ni AJ na si Jeric Raval.

Sa ulat ng PEP.ph, nagbigay na ng kanyang pahayag si Jeric ukol sa panliligaw ni Aljur sa kanyang anak.

Ibinahagi nito na may tatlong katanungan siyang ibinato sa aktor nang sila ay magkaharap. Una daw silang nag meet in person sa PDEA office.

Ito ay nang ihatid ni Aljur si AJ at doon na nga sila nagkaroon ng pagkakataon para magkausap.

Ngunit base sa pahayag ni Jeric ay parang nag-aalinlangan pa din ito sa aktor. Dahil hindi nito binanggit ang pangalan ni Aljur habang nagkekwento.

Pagbabahagi ni Jeric, “Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko.

“Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

“Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’ Second, kung ‘ikaw ba ay hiwalay na?’

“Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'”

Aniya kaya niya tinanong ang mga bagay na iyon kay Aljur dahil magkaibigan sila ni Robin. Pero sa bandang huli saad nito,

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”

‘Sana lang ay alam ni AJ Raval ang kanyang pinapasok.’ – Ogie Diaz para kay AJ Raval at sa mapusok na ‘puso’ nito para kay Aljur

Kilalanin! Ang mga swerteng lalaking na-link at nakabihag na sa puso ni AJ Raval