in

Kim Chiu at Maja Salvador muling magpapatalbugan, tapatan sa dance floor ng Eat Bulaga at Its Showtime

Magtatapat na namang muli sina Kim Chiu at Maja Salvador sa dance floor ng kani-kanilang noontime show.

Nabuhay ngang muli ang dance rivalry nina Maja at ni Kim Chui, na kapwa magaling at hataw sumayaw. Lagi nga silang may dance showdown sa “ASAP Natin ‘To” noong may channel 2 pa.

Ngayon ay magtatapat na ang kanilang programa, si Kim sa “Its Showtime” at si Maja naman sa “Eat Bulaga”, kaya ang mga fans ay naligalig na sa tapatan ng dalawa.

At bongga nga raw kung mabibigyan rin si Kim ng portion na sasayaw ito. At itatapat talaga sa portion ni Maja sa Eat Bulaga.

“Next level ng career for Maja!! Alam mo iba level ng kasikatan pag Nag-EB ka, paano si Kim sa kabila? Mas lalong makukumpara, sabagay pareho lang naman ng level sa pagka-sabaw.”

“Si Kim ang sabaw. Actually, sya pinaka-sabaw sa lahat ng celebrities. Tagalog na nga sinasabi wala pa rin sense.”

Ilan lang ‘yan sa mga komento ng netizen.

At kahit nga raw sa TikTok, sina Maja at Kim pa rin ang pinagsasabong. Makikita nga sa YouTube channel na ‘TikTok Philippines’ ang banggaan ng dalawa.

Usap-usapan din na hindi raw guest host si Maja sa naturang noontime show tulad na lang ng pag-guest co-host nina MJ Lastimosa, Kakai Bautista at Gabbi Garcia.

Kundi siya ay magiging isang regular host o judge sa bagong dance competition na ipapalabas sa EB. Tinawag nila itong ‘Maximum Sayawan’ na inisyal din ng pangalan ni Maja Salvador.

Ilang taon na din na laging pinagtatapat sina Maja at Kim sa dance floor. At laging ang tanong ay sino nga ba ang tunay na reyna sa kanila.

Pero, ngayong magkalaban na talaga ang mg show nila, siguradong mas iinit ang banggaan sa pagitan nila.

Ikaw Team Maja o Team Kim?

Anak nila Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie, ate na ulit! labis ang excitement sa kanilang bagong baby

Axel Torres, may nais nga bang ibunyag sa kanyang d ba sa kanyang ex-girlfriend na si AJ Raval at Aljur Abrenica?