in , ,

Axel Torres, may nais nga bang ibunyag sa kanyang d ba sa kanyang ex-girlfriend na si AJ Raval at Aljur Abrenica?

AJ Raval, pinag pipiyestahan ngayon sa social media!

 

 

Matapos umamin ng 25-year-old actress ang kanyang tunay na status sa aktor na si Aljur Abrenica, inulan ng maraming komento ang aktres.

 

 

Nagsimula ang una ay haka-haka lang na namataan umanong magkasama sina AJ at Aljur. Matapos ang ilang linggo, inamin ng aktres na “getting to know” stage umano sila.

 

 

Kahapon, October 6, nakita ulit na magkasama ang dalawa sa isang shopping mall.

 

 

 

 

May mga fans kasi na nakapagpa picture sa dalawa. Bukod dito, may mga iba pang kuha kung saan makikitang magka-akbay at magkaholding hands sina AJ at Aljur.

 

 

 

Sa kabilang banda, tila may pasaring ang recent ex-boyfriend ng dalaga na si Axel Torres.

 

 

Sa kanyang Instagram, nag post si Axel ng kanyang larawan na may malalim na caption.

 

 

“Right now, I’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person she told me not to worry about but it’s alright,”

 

 

 

Matatandaan na nagkasama sina Aljur at AJ sa isang mapusok na pelikulang Nerisa.

 

 

Naghiwalay naman ang dating magkasintahan noong buwan ng Agosto dahil ayaw raw ng ex-PBB housemate ang mga daring roles ng dating nobya.

 

 

Sa kasalukuyan, kasal pa ring maituturing si Aljur kay Kylie Padilla. Bagamat nauna nang nag komento ang aktres na nagkasundo na sila ni Aljur na maaari na silang makipag date kung kanino man nila gusto.

 

 

Nito lamang Abril nang kasalukuyang taon nang ianunsyo nang dating couple ang kanilang hiwalayan. Naging usap usapan naman sa social media kung may third party ang naging dahilan ng pagkasira nang kanilang relasyon.

 

 

May nais nga bang ibunyag ang si Axel sa kanyang post?

Kim Chiu at Maja Salvador muling magpapatalbugan, tapatan sa dance floor ng Eat Bulaga at Its Showtime

‘Sana lang ay alam ni AJ Raval ang kanyang pinapasok.’ – Ogie Diaz para kay AJ Raval at sa mapusok na ‘puso’ nito para kay Aljur