in

Mura nangangamba na matulad sa sinapit ni Mahal, dinapuan na din ng sakit

Takot ang nadarama ngayon ni Allan Padua o mas kilala bilang si Mura dahil sa kanyang karamdaman.

Sa vlog ni Virgelyncares 2.0 Official na inilabas noong Setyembre 22. Humingi ng tulong si Mura sa vlogger para sana sa gagastusin pang-checkup dahil nahihirapan umano itong huminga.

Hindi pa daw kasi siya kino-contact ng taong nangako ng tulong medikal sa kanya.

Kuwento ni Mura, nakita raw na may parang ulap sa baga niya na maaaring sintomas ng pn’eum0nia.

Ayon kay Mura, naaalala raw kasi niya ang sinapit ng kaibigan niyang si Mahal na namaalam dahil sa pneum0nia at nauwi sa C0’VID.

“Yung baga ko nga kasi may pumupulupot na parang ulap, ganu’n. Papunta daw sa pneum0nia ba yon? Naalala ko kasi si Mahal na wala na. So, sana maagapan,” sambit ni Mura.

Salaysay pa niya, naubos na rin ang kaniyang iniinom na gamot kaya minarapat na magpatingin ulit sa doktor upang malaman kung may kailangan bang bagong iinumin.

“Nahihirapan nga, eh. Parang may plema dito sa dibdib. Ang 6amot na iniinom ko ubos na, eh. Gusto kong ma-continue ba ang pag-inom kung anong klaseng 6amot para mabilis gumaling. Kailangan panibagong 6amot,” pahayag niya.

Inamin ni Mura na naninigarilyo ito ngunit itinigil na aniya tatlong linggo na ang nakakaraan dahil sa nararamdamang sakit. Mayroon din itong ast’hma na maaaring maging pneum0nia kung mapapabayaan.

Sa inilabas na resulta ng doctor tungkol sa checkup ni Mura ay nakumpirmang meron talaga itong pneum0nia.

Bukod doon, normal naman daw ang puso nito at iba pang vital organs. Wala ring naging abnormalities sa kanyang bones kahit napilayan siya noon dahil sa isang aksidente.

Angel Locsin, bigla na lang bumuhos ang emosyon sa kinalabasan ng kanyang page-effort para sa mister

Anak nila Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie, ate na ulit! labis ang excitement sa kanilang bagong baby