in

Marco Gallo napikon kay Kim Atienza? In-unfollow na ang huli sa social media

Hindi ata nagustuhan ni Marco Gallo ang naging reaksyon ni Kim Atienza sa naging pahayag niya tungkol kay Kisses Delavin.

 

 

Tila dinamdam ni Marco ang komento ni Kuya Kim sa naging pahayag niya kamakailan. Tungkol sa dating katambal na si Kisses.

 

 

Nang hingan kasi si Marco ng ng komento tungkol sa pagsali ng dalaga sa katatapos lamang na Miss Universe PH 2021 sa virtual media conference ng kanyang pelikulang ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.’

 

 

Sinabi nito na, “All we see on your Instagram are… your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”

 

 

Nagbigay naman ng komento si Kuya Kim ukol dito. Tila hindi pasado kay Kuya Kim ang pahayag ng binata.

 

 

Saad nito, “Your private life need not be shared on social media, Marco. She is blessed, she has lots of endorsements. You should be happy for her.”

 

 

Agad namang umapila si Marco dito sa isang radio program. “I think he saw it in a different way. I just realize, in this industry, whatever you say, everyone has always something to say about it. And I know, I didn’t mean it that way.”

 

 

“It’s just his comment, and I don’t think it was needed. I totally get this. But I’m sure he would have got my period too.”

 

 

Sa naging panayam naman kay Marco ng PEP.ph, inamin ni Marco na nabigla siya sa komentong iyon ni Kuya Kim.

 

 

Hindi raw inakala ni Marco na magiging isang malaking isyu ang mensahe niya kay Kisses.

 

 

At dahil dito ay nag-unfollow na daw si Marco sa lahat ng social media accounts ni kuya kim na ngayon ay Kapuso na.

AJ Raval nasa ‘getting to know each other’ stage na with Aljur Abrenica

Angel Locsin, bigla na lang bumuhos ang emosyon sa kinalabasan ng kanyang page-effort para sa mister