in , , ,

Angel Locsin, bigla na lang bumuhos ang emosyon sa kinalabasan ng kanyang page-effort para sa mister

Masarap ba o hindi, Angel? Real life Darna iyak-tawa nang tikman ang sarili niyang luto.

 

 

Ika nga nila, “The best way to a man’s heart is through his stomach.” Kaya naman ang bagong kasal na si Angel Locsin ay abala sa pag-aaral kung paano mag luto.

 

 

 

 

Dahil buhay may asawa na sa kanyang mister na si Neil Arce, mag-aral sa pagluto ang isa sa mga pinagkakaabalahan ng aktres ngayon.

 

 

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng multi awarded actress ang kanyang pagluluto.

 

 

 

 

Sa Instagram, nag post ng short clip si Angel nang tikman niya ang inihandang putahe para sa mister.

 

 

“tried to cook! Here’s my very “subtle” review on my masterpiece,” 

 

 

 

Pero tila hindi nasarapan sa sarili niyang gawa ang philanthropist actress dahil naiyak na lang ito kakatawa.

 

 

 

“Maasim, hindi siya masarap,” ang honest review niya sa sarili niyang luto.

 

 

Sa comment section, marami sa kanyang fans maging mga celebrity friends ay natawa na lang sa reaksyon ng mukha ng real life Darna.

 


Ang celebrity couple na sina Angel Locsin at long time boyfriend nito na si Neil Arce ay ikinasal nito lamang August 7, 2021. Idinaos ang kanila simple ngunit napaka intimate na civil wedding sa Taguig.

 

 

Nakaka aliw ka talaga! Okay lang yan Angel, sasarap ka din magluto, more practice pa.

Marco Gallo napikon kay Kim Atienza? In-unfollow na ang huli sa social media

Mura nangangamba na matulad sa sinapit ni Mahal, dinapuan na din ng sakit