in

AJ Raval nasa ‘getting to know each other’ stage na with Aljur Abrenica

Inamin na ni AJ Raval ang tunay na namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica.

Nitong mga nagdaang araw ay naging laman ng social media sina AJ at Aljur. Ito ay matapos isiwalat ni Xian Gaza ang isyu tungkol sa kanila.

Noong una ay tinatawanan lang ito ni AJ samantalang si Aljur naman ay nanatiling tikom ang bibig. Nagbigay na din ng kanyang reaksyon si Kylie Padilla ukol dito.

Aniya, napagkasunduan nila ng kanyang estranged husband na pwede silang makipag date kahit kanino matapos ang kanilang hiwalayan. Wala na rin daw issue sa kanya kung kanino mang babae ma-link ang dating asawa.

Makatapos naman ng pahayag na ito ni Kylie, tila nagkaroon na ng lakas ng loob si AJ para umamin sa real score nila ni Aljur.

Ito ang kanyang ibinahagi sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP Live nitong Martes ng gabi, Oktubre 5.

Nang tanungin ang aktres sa tunay na kaugnayan niya kay Aljur ay tila kinilig at napatili pa umano ang dalaga. At saka diretsahang inamin na nagkakamabutihan na sila ngayon ng aktor.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami,” pagbabahagi ni AJ.

Si Aljur din umano ang tinukoy niya sa vlog na ‘manliligaw na boyfriend material’ habang kakuwentuhan ang kaibigang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sabi pa ni AJ, “Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.

“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know…”

Malinaw na may pag-asa ang manliligaw ni AJ, at iyon ay walang iba kundi si Aljur Abrenica.

Anong say mo dito?

Kylie Padilla nagbigay na ng reaksyon tungkol sa mga nali-link sa estranged husband na si Aljur Abrenica

Marco Gallo napikon kay Kim Atienza? In-unfollow na ang huli sa social media