in

Sharon Cuneta at KC Concepcion hindi nagkita kahit parehong nasa US, pinaghinalaan na may tampuhan muli

Muli nga bang may namamagitan na tampuhan sa mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos mapag-alaman na hindi man lang nagkita ang mag-ina. Kahit pa na pareho silang nasa US ngayon.

Kasalukuyang nasa New York si Sharon para bisitahin ang panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie.

Nitong weekend, nag-post si Sharon tungkol sa paglipad niya sa New Jersey, sakay ng private jet plane na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si “Doc Noel.”

Sa comments section, sunud-sunod ang sagot ni Sharon sa netizens na nangungumusta sa pagkikita nila ni Frankie.

Ayon kay Sharon, sobrang na-miss nila ni Frankie ang isa’t isa at halos hindi na sila mapaghiwalay matapos magkita. Idinetalye pa ng singer-actress ang bonding moments nilang mag-ina.

Bagamat masaya si Sharon sa muli nilang pagkikita ni Frankie ay may ilang netizens na may nega comments sa kanyang post.

May nagsabing very obvious daw na mas paborito ni Ate Shawie si Frankie kesa sa panganay niyang anak na si KC Concepcion na nasa Amerika rin ngayon.

Ipinaalala kasi ng mga netizens kay Mega na may isa pa siyang anak na nasa Amerika. Kaya bakit si Frankie lang daw ang dadalawin nito. Mukhang hindi naman daw patas ang pagtingin niya sa kanyang mga anak.

Sinagot agad ng movie icon at box-office queen ang isang netizen, “Maybe try mo baligtarin. You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children.”

Nagsunud-sunod ang sagutan ng netizens base sa pahayag ni Sharon.

Nagbigay sila ng mga opinyon tungkol sa kung ano ang posibleng dahilan ng tampuhan o hidwaan ng mag-ina.

Netizens pinuna ang parenting style ni Toni Gonzaga sa kanyang anak na si Seve: “Masyadong strict!”

Kylie Padilla nagbigay na ng reaksyon tungkol sa mga nali-link sa estranged husband na si Aljur Abrenica