in

Kylie Padilla nagbigay na ng reaksyon tungkol sa mga nali-link sa estranged husband na si Aljur Abrenica

Binasag na ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanyang katahimikan tungkol sa mga babaeng nali-link kay Aljur Abrenica.

Wala na raw isyu kay Kylie kung may ma-link nang ibang babae ngayon sa estranged husband niyang si Aljur Abrenica.

Napag-usapan na rin daw nila ang posibilidad na makipag-date sa iba at mutual daw nila itong napagdesisyunan.

Matatandaan na naging maugong ang balita na diumano ay iba ang closeness ngayon ni Aljur sa daring actress na si AJ Raval.

Nag-umpisa ang isyu na ito ng ibahagi ng internet celebrity na si Christian Albert “Xian” Gaza. Ang diumano’y video na tila pinapalabas na magkasama ang aktor at aktres sa iisang lugar.

Kaya naman seryoso ang naging tugon ni Kylie dito at ipinaliwanag niya sa netizens na tapos na talaga sila ni Aljur.

Nakiusap si Kylie na sana naman ay bigyan sila ng privacy. At wag ng idawit pa ang pangalan ng ibang tao sa kanilang isyu.

Sinabi rin niyang noong April sila naghiwalay pero hindi niya binanggit. Ang totoong dahilan kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon.

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.” ani Kylie.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Kylie sa ipinapakitang concern ng kanyang mga tagahanga.

Sa ngayon daw ay main priority nina Kylie at Aljur, bagama’t hiwalay na, ang kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Sharon Cuneta at KC Concepcion hindi nagkita kahit parehong nasa US, pinaghinalaan na may tampuhan muli

AJ Raval nasa ‘getting to know each other’ stage na with Aljur Abrenica