in ,

Mister ng isang OFW inipon ang mga padala ng misis nakapagpundar na ng mga ari-arian

Naging emosyonal ang isang Pinay OFW sa sorpresang hatid sa kanya ng kanyang mister.

Isang magandang sorpresa ang tumambad sa OFW na si Rodelyn Fortes mula sa kanyang pangingibang bansa. Napag-alaman niyang inipon pala ng kanyang asawa at mga anak ang kanyang perang pinapadala kada buwan mula sa kanyang sahod.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV na “Balitang Amianan”, inipon ng mister na si Rogelio Fortes at ng kanilang mga anak mula Agoo, La Union ang bawat perang ipinadadala sa kanila ng kaniyang asawa mula abroad. Umabot ito ng tumataginting na ₱300,000.

Lingid sa kaalaman ni Rodelyn, wala ring tigil sa pagkayod ang kanyang mister na si Rogelio para hindi magastos ang mga padala niyang pera at makapagdagdag pa sa kanilang ipon.

“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, talagang nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko, imbes na bawasan ko, dinadagdagan ko pa kasi nga nag-store ako,” pahayag ni Rogelio.

Salaysay ni Rogelio, nagsimula lamang sila sa batya-barya, hanggang sa paunti-unti ay itinatabi na nila ang malaking bahagi ng padalang pera ni Rodelyn.

Umabot sa balde-baldeng mga papel na pera at mga barya ang kanilang naipon. Imbes daw na bawasan, sinikap umano ni Rogelio na dagdagan pa ang mga ipon. Upang makatulong sa kaniyang misis, na alam niyang malaki ang sakripisyo sa ibang bansa.

Dahil dito, naipaayos nila ang kanilang bahay, at nakabili rin ng sidecar at motorsiklo.

“Hindi ko lubos maisip na ganun ‘yung maiipon niya. Kasi magkano lang naman ‘yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia,” saad ng maluha-luhang si Rodelyn.

Natutuwa rin ang ina dahil kasa-kasama ni Rogelio sa pag-iipon ang kanilang anak, na natututo na rin sa kung paano pahalagahan ang pinaghirapang pera.

Dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson hiwalay na sa asawa niyang negosyante na si Victor Consunji.

Netizens pinuna ang parenting style ni Toni Gonzaga sa kanyang anak na si Seve: “Masyadong strict!”