in

Megan Young at Mikael Daez napagkasunduan na hindi muna magkaroon ng anak

Nagkasundo ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez na hindu muna mag-anak ngayong taon.

May mga ilang rason ang mag-asawa kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbubuntis ang actress-beauty queen.

Sa kanilang latest podcast, sinabi nina Megan at Mikael na isang napakalaki at importanteng desisyon para sa kanila ang magka-baby kaya ayaw nila itong madaliin.

Ayon kay Megan, “For me our major decision in our relationship and one that we made as a married couple is to not have kids right away. We were very stern about that from the very beginning.”

Nais din umano ng mag-asawa na enjoyin muna ang kanilang married life.

Kwento naman ni Mikael, nang ikinasal sila ni Megan noong 2020, open na sila sa posibilidad na magka-baby agad.

Kaya lang, nagka-pandemic. Napagkasunduan daw nilang huwag na lang muna.

Paliwanag ni Mikael, “Yung original plan talaga was enjoy muna tayo. Mag-vlog… kung saan man tayo mapunta, enjoy lang natin yung time as a married couple.

“And then, of course, the pandemic hit. Naisip namin, okay, medyo mahirap yata ‘to. Nakakatakot ma-hospital at this time. So, we decided na okay, 2021, huwag muna.”

Hindi pa raw masabi ni Mikael kung kailan na nila gustong magka-baby. “Yung pagpaplano namin, year on year. So, 2022, wala pa kaming plano.

“I guess we’ll discuss that maybe pag November, December na.

“So, 2021, we’re still this focusing I guess on work. Kasi, malaking transition period for everyone.”

“Naisip namin, huwag nating isabay-sabay kung kaya naman. We were able to plan things well naman. Maybe 2022, no promises yet. We’ll let you know.”

Sa huli saad ng aktor ay marami siyang na-realize at natutunan nang magkaroon na ng baby ang kanilang mga friends.

Nadine Samonte, blessing pa din ang turing sa kanyang 3rd pregnancy kahit sobrang hirap na ito sa kanyang sitwasyon ngayon

AJ Raval nakatikim ng sermon sa amang si Jeric Raval dahil sa style ng kanyang pananamit