in

AJ Raval nakatikim ng sermon sa amang si Jeric Raval dahil sa style ng kanyang pananamit

Muling nakatikim ng sermon si AJ Raval mula sa amang action star na si Jeric Raval.

Si AJ ngayon ang binasagang bagong pantasya ng bayan. Hindi naman kasi makakaila ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Kaya maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan at kaseksihan. Nakadagdag pa ang mga style ng aktres sa kanyang pananamit na tila laging nang-aakit.

Kaya naman sa kanyang latest vlog ay sermon ang inabot niya sa kanyang tatay Jeric. Nag fir!ng ang mag ama sa Delta Lion Shooting Range kung saan nagkaroon sila ng oras na makasama ang isa’t-isa.

Bukod sa kanyang ama ay kasama din ni AJ sa nasabing vlog ang kanyang kapatid na lalaki na si JK.

Dito ay tinuruan si AJ kung paano ang tamang paghawak ng bariI at pati na din ang mga safety precautions ng firing.

Napabilib naman si Jeric sa anak na dalaga dahil sa mabilis nitong pagkatuto. Sa katunayan nga niyan ay malapit pa sa center point ang unang shot ng actress.

Sa pangalawa at pangatlong shoot naman niya ay naka “one hole” o dalawang bala ang nagamit niya. Ngunit iisang direksyon lamang ang tinamaan.

Sa pagpapatuloy naman ng kanilang video ay hindi naman nakaligtas si AJ sa panunuri ng ama sa kanyang mga sinusuot.

Sinabi ng action star kay AJ na dapat ay mga conservative cloth ang sinusuot niya at hindi mga damit na litaw na ang maseselang parte ng katawan niya.

“Ganyan lang dapat ‘yung sinusuot mo, hindi ‘yung nakabilad ‘yung dalawang ewan eh. Alam mo naman iniisip ng mga tao, mas okay ‘yan,” saad ni Jeric.

Pinagalitan din ni Jeric si AJ dahil sa tawa nang tawa habang tinuturuang bumariI. “Makikinig ka kapag binibigyan ka ng instruction. Tawa ka nang tawa e.”

Narito ang kabuuan ng video ng kanilang bonding:

Megan Young at Mikael Daez napagkasunduan na hindi muna magkaroon ng anak

Dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson hiwalay na sa asawa niyang negosyante na si Victor Consunji.