in ,

Management ni Jenny Mercado, nagbigay na ng update tungkol sa totoong kondisyon ng aktres

Kamusta nga ba ang lagay ng aktres na si Jennylyn Mercado?

 

 

Marami sa kanyang tagahanga at tagasuporta ang nag alala para sa kalusugan ng aktres.

 

 

Nagkaroon kasi ng medical emergency habang na sa lock-in taping si Jennylyn para sa kanilang upcoming drama series ni Xian Liam na Love.D!e.Repeat.

 

 

Pero wala na daw dapat ipagalala ang mga fans at supporters ng Kapuso star dahil na sa mabuting kundisyon na ito ngayon.

 

 

Sa official statement na inilabas ng talent manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, nagbigay ito ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang talent.

 

Lahad nito sa kanyang Facebook post, “First of all, we would like to express our gratitude to everyone who showed their concern over our artist, Jennylyn Mercado.”

“We would like to assure the public that she is in good condition and in good health,” pagsisigurado ni Aguila.

 

 

“On behalf of Jennylyn, we would like to thank GMA ETV Management, her Love D!e Repeat co-stars as well as the whole production group for their understanding and support.”

 

 

Hindi naman malinaw kung ano ang naging rason ng medical emergency ng aktres.

 

 

Kung matatandaan, kahapon sana, October 2, ang dapat na huling araw ng first cycle ng lock-in taping para sa nasabing serye, pero na-pack up ito noong third week ng September dahil sa medical emergency kay Jennylyn.

 

 

Isang production insider ang nagsabing mabibigat ang mga eksena na kinunan at kukunan pa, pero higit na mahalaga ang kalusugan ni Jennylyn kaya inihinto ang trabaho ng lahat.

 

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang GMA-7 Entertainment TV (ETV) management tungkol sa araw ng pagpapatuloy ng lock-in taping ng drama series na planong ipalabas sa first quarter ng 2022.

Jake Ejercito may buwelta sa netizen na nagkomento tungkol sa parenting nila ni Andi Eigenmann sa anak na si Ellie!

John Wayne Sace, ginulat ang marami matapos aminin ang naging buhay niya matapos maligaw ng landas na hindi inaasahan ng lahat