in

Jake Ejercito may buwelta sa netizen na nagkomento tungkol sa parenting nila ni Andi Eigenmann sa anak na si Ellie!

Huwag mag overgeneralize! Ito ang sagot ni Jake Ejercito sa komento ng isang netizen.

Maayos na ang co-parenting set up ng dating magkasintahan na si Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon silang anak na si Ellie.

Sa ngayon, masaya na at may bagong pamilya na din ang dating aktres na kasalukuyang naninirahan sa Siargao.

Habang si Jake naman ay tahimik pa din tungkol sa estado ng kanyang love life. Gayunpaman, maayos ang kanilang set up bilang magulang ng kanilang anak.

Makikita sa mga social media posts ni Andi at Jake ang mga larawan at video nila na kasama ang kanilang anak na si Ellie.

Nagsasalitan ang dalawa sa pag-aalaga at pagpapalaki sa magandang bata. Bukas naman si Andi sa kanyang vlogs kapag kailangan niyang ipahiram si Ellie sa ama nito.

Sa Instagram ni Jake, muli ulit silang nagpaalam sa isa’t-isa ng kanyang anak dahil bumalik na ito sa kanyang Mommy Andi.

Nag bahagi si Jake ng larawan na yakap si Ellie nang inihatid niya ito sa airport.

“Never not tough,” ang naging caption ni Jake sa larawan nila ni Ellie.

Sa comment section, may isang netizen ang nag komento tungkol sa paghihiwalay nila ni Andi.

“This is the big lesson of both parents before separating their lives, we must consider. Kaya ayaw ko mag asawa eh.”

Sagot naman ni Jake, “Lesson here is not overgeneralized. Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse…”

Buwelta niya, mas mahihirapan daw ang bata kung ipipilit pa nila ni Andi ang kanilang relasyon.

AJ Raval binasag na ang katahimikan tungkol sa pagkaka ugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica!

Management ni Jenny Mercado, nagbigay na ng update tungkol sa totoong kondisyon ng aktres