in

AJ Raval binasag na ang katahimikan tungkol sa pagkaka ugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica!

AJ Raval may koneksyon nga ba sa aktor na si Aljur Abrenica?

Usap usapan ngayon sa social media ang isyu kung saan inuugnay ang aktres na si AJ kay Aljur Abrenica.

Muling nag ingay sa social media ang isyu nang mag post sa kanyang Facebook ang self proclaimed chismoso ng bayan na si Christian Albert Gaza.

“Mainit-init pa mga marites(tawag sa online tsismosa), Actual video na magkasama si Aljur Abrenica at AJ Raval sa subic ay uploaded na sa loob ng Isyus App!! OMG Nakakalokaaa!” post ni Xian sa kanyang Facebook.

Agad ito umani ng maraming atensyon dahil nangingibabaw ang pangalan ng anak ni Jeric Raval ngayon.

Pero tila nakarating agad ang post ni Xian kay AJ at natatawa itong nag reak.

“Luh Issue Kayo! Hahaha,” post ng aktres.

Nirepost niya din ang isa pang post ni Xian na sinabing may pasabog siya tungkol kay AJ.

“Ang dami mong alam hay*p ka hahaha,” caption ni AJ sa kanyang post.

Pero hindi na natuloy ang pasabog umano ni Xian tungkol sa rising actress.

Matatandaan na nagkasama sa daring project sina Aljur at AJ na Nerissa ng Viva Films.

Sa kalagitnaan habang ginagawa ang film na ito, pumutok ang balita na hiwalay na ang mag asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Hindi naman naging malinaw hanggang ngayon kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Pero giit ng mga netizens, may 3rd party umano na naganap.

Sa kabilang banda, nilinis din ni Xian ang pangalan ng aktres tungkol sa “3rd party” isyu nito sa pagitang Aljur at Kylie.

Asia’s Nightingale Lani Misalucha posibleng permanente ng mawalan ng pandinig

Jake Ejercito may buwelta sa netizen na nagkomento tungkol sa parenting nila ni Andi Eigenmann sa anak na si Ellie!