in

Viral video ng mga beki na kinutya at minura sina Vice Ganda at Ion Perez usap-usapan ngayon sa social media

Viral ngayon ang video ng isang grupo ng mga beki na tila may galit kina Vice Ganda at Ion Perez.

Simula’t sapul na aminin nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang relasyon sa publiko ay hindi na sila tinigilan ng mga basher.

Maraming naiinggit kina Vice at Ion pagka’t naipapangalandakan nila ang kanilang pag-ibig, nakakapag-PDA sila, at nananatiling bonggacious ang kanilang career.

Kinaiinggitan si Vice dahil bongga na ang kanyang career, bongga pa ang love life. Na naipagduduldulan niya sa madlang people.

Hindi man tanggap ng marami ang relasyon nila ni Ion ay hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Marami din ang naniniwala na ginagamit lang umano ni Ion si Vice. Minahal lamang daw ng binata si Vice dahil sa pera nito.

At dumagdag nga sa mga basher nina Vice at Kuya Escort ay ang viral ngayon na grupo ng mga beki.

Isang video kasi ang usap-usapan ngayon sa social media. Kung saan naging topic ng grupo ng mga beki ang relasyon nina Ion at Vice. Tila mga nakainom at lango sa alak ang mga ito.

Bungad nga ng isang beki na nakasuot ng itim na sando ay dilawan daw itong si Vice dahil nagtatrabaho siya sa ABS-CBN.

Sabay sabing wala siyang pakealam kay Vice. At doon na naisingit ang tungkol sa relasyon nito kay Ion Perez.

Saad ng isang beki mahal ba siya ni Ion? Sagot ng isa “hindi ko sure”. Todo paliwanag naman ang isang beki at sinabing wala daw pera si Ion.

Sinabi pa ng mga ito na bias umano si Vice porket iniidolo siya ng maraming bakla sa bansa.

Hanggang sa pinagmumura na nila si Vice na tila malaki ang mga galit ng mga ito sa Unkabogable star.

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Ogie Alcasid, Ibinuking ang itsura ng asawang si Regine pag walang make up

Paolo Contis nakiusap na kay Lolit Solis na tigilan na nito ang pangbabatikos sa kanya