in

Paolo Contis nakiusap na kay Lolit Solis na tigilan na nito ang pangbabatikos sa kanya

Ibinahagi ng batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis na nakikiusap na sa kanya ang alagang si Paolo Contis.

Tila hindi na kinaya ni Paolo Contis ang mga pasaring sa kanya ng talaent manager niyang si Lolit Solis.

Ayon kay Manay Lolit nakiusap daw ang kontrobersyal na Kapuso actor na tumigil na siya sa paggawa ng issue tungkol sa kanya.

“Ito ngang si Gorgy, tumawag sa ‘kin minsan. ‘Oy nay! Ano daw sabi ni Paolo tigilan mo na daw’. ‘Bakit sa inyo pinapadaan? Bakit ikaw kinakausap niya, ako hindi?’ Talagang ayaw pa rin akong kausapin, ‘di ba?

“Kung anu-ano daw mga pinagsasabi ko. ‘Yung mga uubusin ‘yung pera ni Yen (Santos) tapos wala siyang pamasahe papuntang New York,” pagbabahagi ni Lolit.

Nagtataka rin daw si Lolit kung bakit hindi siya direktang kinakausap ni Paolo.

Ayon sa kwento ni Lolit ay pinapatigil na siya ni Paolo dahil baka daw maapektuhan na ang kalusagan ng ina ng aktor dahil sa mga nasasaganp nitong balita tungkol sa anak niya.

“Sabi daw ni Paolo kay Gorgy, ‘Sabihin mo kay Nanay, tumigil na. Mamaya ma-stroke na naman ang mama ko sa mga pinagsasabi niya.”

Marahil ay gusto na ni Paolo na mag move on sa mga kontrobersiyang kinakasangkutan niya ngayon. Kaya naman ay pinakiusapan na nito si Manay Lolit na tigilan na siya.

Matatandaan na ilang beses nagbahagi ng impormasyon si Lolit tungkol sa isyu nina Paolo at LJ. Kaya naman laging inuulan ng negatibong komento ng netizens ang aktor.

Isa na rito ang diumano’y kakulangan ng kakayahang pinansyal ni Paolo para pumunta ng New York at kausapin ng personal si LJ.

Narito ang kabuuan ng video:

Viral video ng mga beki na kinutya at minura sina Vice Ganda at Ion Perez usap-usapan ngayon sa social media

Asia’s Nightingale Lani Misalucha posibleng permanente ng mawalan ng pandinig