in

Asia’s Nightingale Lani Misalucha posibleng permanente ng mawalan ng pandinig

Ibinahagi ng OPM Icon na si Lani Misalucha ang matinding pinagdadaanan ng pamilya niya ngayon.

Mag-iisang taon na ngayong Oktbure mula nang dumaan sa matinding pagsubok ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at asawa niyang si Noli Misalucha.

October 2020, dinapuan ang mag-asawa ng ba’cteriaI men’ingiti’s at magkasunod silang isinugod sa ICU ng isang ospital.

Nakaramdam sila pareho ng pananakit ng buong katawan, matinding sakit ng ulo, pagkahilo, at panghihina ng pandinig.

Ayon sa ulat ng GMA News online, may panibagong kalbaryo na namang sinuong ang pamilya ng singer—ang pagkawala ng kanyang apo.

“I lost a grandson. Yan talaga ang ’di ko mate-take, na makita ko na they were in the hospital,” pagbabahagi ni Lani.

Ayon pa sa singer, kakayanin niya ang mga pagsubok na darating sa kanila. Pero hindi ang sa kanyang babaeng anak na nawalan ng supling.

“Okay na sa akin yung nagkasakit kami, nakayanan namin yun, nalagpasan namin yun.

“Yung image sa akin na hindi ko mabura sa utak ko, yung my daughter is in a hospital bed and she has her son in her arms na wala na.”

Nang tanungin ng GMA kung paano niya ito kinakaya, sinabi na Lani na “might as well accept it ‘di ba?”

“You cannot blame anyone and you cannot even ask God why all these are happening.”

Para kay Lani mayroong “reason behind all this, and we’re gonna find the reason why.”

Dagdag pa niya, “Just rely on God’s purpose for you. Use it as something that would make you stronger.”

Paolo Contis nakiusap na kay Lolit Solis na tigilan na nito ang pangbabatikos sa kanya

AJ Raval binasag na ang katahimikan tungkol sa pagkaka ugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica!