in

Celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo may mahalagang announcement para sa kanilang fans

May good news umanong ibabahagi ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Naging mainit na usapin sa social media na diumano’y nagdadalang tao raw ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. At ang ama nga raw ay ang longtime boyfriend nitong si Dennis Trillo.

Ito nga ba ang sinasabi nilang “good news” para sa kanilang mga tagasuporta?

Kamakailan kasi ay lumabas ang isang blind item sa entertainment website na PEP.ph. Ayon sa blind item “Buntis na uli… sikat na aktres papalitan na sa ginagawang serye, nagkaroon ng spotting sa taping

May kumakalat na tsismis na preggy na raw ang maganda at sikat na aktres. Lalong pinagdudahang totoo ito dahil nasa kalagitnaan daw ng taping ng bagong teleserye si maganda at sikat na aktres nang biglang natigil dahil may dumating na ambulansya sa set.

Sa pagtatanong at pagkalkal ng ilang nandun, nalaman nilang nagka-spotting daw si maganda at sikat na aktres. Nagdadalangtao raw ito, pero hindi pa nila sure kung okay na ang kalagayan niya.

Ilang sandali naman ang lumipas, napabalitang nagkaroon ng emergency sa seryeng “Love.Die.Repeat.” Na pinagbibidahan nina Jennylyn at Xian Lim.

Kinailangan umanong tignan ng doktor si Jennylyn dahil sa “emergency” na ito. Kaya naman tila napagtugma ng mga netizens na si Jen na nga talaga ang nasa blind item.

Samantala, usap-usapan rin ang latest post nito na “Sometimes things get complicated”, na may kasamang litrato nila ni Xian. Na kuha sa nasabing serye na pagtatambalan nila.

Sa ngayon ay packed-up muna ang taping ng serye nina Jen at Xian. Hinihintay pa ang desisyon ng GMA kung kailan magre-resume ang taping.

Kasunod nito lumabas din ang balitang very soon ay ikakasal na sina Jennylyn at Dennis Trillo.

Naaalala niyo pa ba ang dating child star na si Celine Lim? Ito na siya ngayon hatid ang nakakainspire na love story!

Ogie Alcasid, Ibinuking ang itsura ng asawang si Regine pag walang make up