in

TikTok video ni Danica Sotto kasama ang kanyang anak at ina na si Dina Bonnevie kinagigiliwan ngayon online

Masayang ibinahagi ni Danica Sotto ang Tiktok video nila ng kanyang mommy D.

Sa bibihirang pagkakataon, makikita ang ganda ng henerasyon nina Danica Sotto, kanyang anak at ng kanyang ina na si Dina Bonnevie.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Danica ang Tiktok video kung saan game na game ang kanyang mommy D sa pagsasayaw.

Saad ni Danica sa kanyang caption, “Three generations. So happy we got to see Mama D today. @dinabonnevie #gratefuleveryday #internationaldaughtersday.”

Tila isang showdown naman ang naganap sa pagitan ng Ina, anak, at apo. Na ngayon ay kinagigiliwan ng maraming netizens.

Sumayaw sila sa saliw ng tugtog na Let’s Groove Tonight at kitang kita na enjoy sila sa pag indayog.

Masayang masaya din si Danica na nakasama nila ang kanyang mommy D. Dahil sa panahon ngayon ay bibihira ng magkita at magkasama ang mag-ina.

Dahil na din sa pagsunod sa health protocols na ipinatutupad sa bansa para makaiwas na dapuan ng v1rus.

Samantala, madami naman ang natuwa sa video na ibinahagi ni Danica. Pati ang ilan sa mga kaibigan niya sa indsutriya ay nag enjoy din habang pinapanood ang kanilang pagsasayaw.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Nasapawan kayo ni Ms. D  Y’all look beautiful btw”

“Maganda pa din Ms. Dina 3 Generation pala. Beautiful like the 3 of you.”

“Pretty nga anak mo ms Danica mana sayo at sa mommy mo godbless po”

“grabe parang triplet,magkamukha po kayong tatlo ,si Miss D hindi tumatanda”

Sa nakaraan niyang post, inamin ni Danica na dati ay nagkaroon sila ng maraming hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina noong siya ay teenager pa. Pero lahat daw ito ay inunawa ni Dina.

Ang totoong dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigang Julia Barretto at Janella Salvador!

Naaalala niyo pa ba ang dating child star na si Celine Lim? Ito na siya ngayon hatid ang nakakainspire na love story!