in

Miss U PH 2021 Candidate na si Kristha Singh hindi napigilan ang kilig ng ma-meet si Mayor Vico Sotto

Hindi napigilan ni Pasig City representative Princess Kristha Singh ang kanyang kilig ng ma-meet niya in person si Mayor Vico Sotto.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Filipina-Indian beauty queen ang video ng courtesy call niya kay Mayor Vico sa  Pasig City Hall.

Nangyari ito noong last day of voting para sa Top 30 delegates for Miss Universe Philippines 2021. Makikita sa nasabing video ang kakaibang kilig na nadarama ni Kristha.

“Last day of voting today in the Miss Universe Philippines App!!! But before I promote, kiligin muna tayo lahat. Ahkkkkk!!!! MAYOR WHY!!???” saad ni Kristha sa kanyang caption.

Agad namang inulan ng samu’t-saring komento ang post na iyon ng dalaga.

Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens:

“marse, focus tayo sa MU. kami na bahala kay Vico”

“ang gentleman ni mayor… kakainlove”

“Jusmiyo ang kagwapo naman kasi ni Mayor Vico Sotto god bless and stay safe”

“Te pila ka walang beauty beauty queen dito”

“Aba aba! Huy wag mo daanin sa ganda cyst. Unfair naman sameng pinainom mo ng sleeping pills nong isabog ni Lord kagandahan. Kaya maging fair ka. Pumila ka sa likod!”

Isa si Kristha sa top 30 delegates na nais masungkit ang korona for Miss Universe PH 2021. NIrerepresenta niya ang bayan ng Pasig.

Si Mayor Vico naman ay matagal ng kinakikiligan ng maraming kababaihan. Hindi lamang sa angkin niyang kagwapuhan kundi dahil na din sa husay na ipinapakita niya bilang alkalde.

Francine Diaz at Seth Fedelin? Totoong relasyon di umano nabuko sa mga tiktok vids?

Ang totoong dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigang Julia Barretto at Janella Salvador!