in , ,

Ang totoong dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigang Julia Barretto at Janella Salvador!

Ano nga ba ang dahilan ng “friendship over” nina Julia Barretto at Janella Salvador?

 

 

Nagsalita na si Janella sa totoong estado ng relasyon nila nang dating matalik na kaibigan na si Julia Barretto. At kung bakit hindi na sila nag-uusap ni Julia ngayon.

 

 

Ang dalawang aktres ay kapwa Star Magic Circle batchmates noong 2013.

 

 

Naging malapit na magkaibigan ang dalawa at nagkasama pa sa grupo na IT Girls ng ASAP kasama si Liza Soberano at Kathryn Bernardo.

 

 

Pero noong 2020, naging kontrobersyal ang pagkakaibigan ng dalawa.

 

 

Sa naging pahayag ng mom of one sa YouTube channel ng former PBB housemates Joj and Jai na may temang Drink or Spill, nagkaroon ng kasagutan tungkol dito.

 

 

Ayon kay Janella, hindi na sila nag-uusap ni Julia ngayon.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon.” 

 

 

Pagdagdag niya, “There was an issue before, na hindi ko na sasabihin kung ano — alam niyo na ‘yun.”

 

 

Matatandaan na nag unfollow si Julia sa lahat ng social media accounts ng aktres at ni Joshua Garcia noon.

 

 

Nagkasama si Janella at Joshua sa teleseryeng The K!lle’r Bride kung saan naging love team ang dalawa.

 

 

May past relationship naman si Julia at Joshua na naging kontrobersyal ang hiwalayan noong 2019.

 

 

Sa kabilang banda, nag reach out naman daw ang kapwa niya aktres noong nagbuntis siya sa anak na si baby Jude.

 

 

Pero hindi na daw nag tuloy-tuloy ang pag-uusap nilang dalawa.

 

 

Isang grupo ng mga Maritess ang tila may sariling bersyon o konklusyon sa totoong ganap sa pagitan nang dating magkaibigan.

 

 

Isang Facebook page ang naglabas ng bl!nd item kasunod ng pagsasalitang ito ni Janella.

 

 

Kung babasahin ang mga comments ng mga netizens, marami ang nag name drop sa bl!nd item na ito at sinabing si Julia Barretto at Janella Salvador nga daw ang tinutukoy.

 

 

Ayon sa mga kaklase nating Maritess, isang lalaki nga daw ang dahilan nang pagkasira ng pagkakaibigan ng dalawang aktres. Ang nasabing lalaki ay may initial din na J.

 

 

Samantala, bukas naman daw si Janella kung sakali magkakaroon ng pagkakataon na magkaayos silang muli ni Julia.

 

Miss U PH 2021 Candidate na si Kristha Singh hindi napigilan ang kilig ng ma-meet si Mayor Vico Sotto

TikTok video ni Danica Sotto kasama ang kanyang anak at ina na si Dina Bonnevie kinagigiliwan ngayon online