in , ,

Kilalanin ang lalaking anak ni Jeric Raval na nakamana ng kanyang kagwapuhan

 

May nakamana na ng kagwapuhan ng action star na si Jeric Raval.

 

 

Kilala si Jeric Raval sa isa sa pinaka gwapong aktor noong panahon niya magpasa hanggang ngayon.

 

 

Sumikat siya bilang isang magaling na action star noong 90’s at bumida sa napakadaming pelikula.

 

 

Hindi mapagkakaila ang gandang lalaki ni Jeric kaya naman maraming kababaihan ang nahumaling at tumili sa kanya.

 

 

Kaya naman hindi nakapagtataka na nagkaroon siya ng labingwalong anak sa iba’t-ibang babae.

 

 

Ngunit ayon sa aktor ay kung maibabalik lang ang panahon ay hindi na daw siyamag-aanak ng marami.

 

 

At isa nga sa naging ina ng kanyang mga anak ay si Alyssa Alvarez.

 

 

Ito ang ina ng anak niyang sumunod sa kanyang yapak sa pagiging artista na si AJ Raval.

 

 

Na ngayon ay nabansagan ng bagong pantasya ng bayan dahil sa angkin nitong kagandahan at karisma.

 

 

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ay napakagwapo din pala ng kapatid nitong lalaki. At ito nga ay walang iba kundi si Ace Raval.

 

 

Makikita sa mga litrato ni Ace sa kanyang social media account na tila ito ang nakamana ng kagwapuhan ng kanyang ama.

 

 

Pati na rin ang matikas na pangangatawan ni Jeric at ang mga chinitong mata ay kuhang kuha niya.

 

 

Si Ace ay mayroon na ding isang anak.

 

 

Hindi man pinasok ang showbusiness, isa namang rapper itong si Ace.

 

 

Siya ay under din ng Viva Records, at isa nga sa mga nagawa niyang kanta ay ang “Madaling Araw” kung saan kasama niya din ang kapatid na si AJ.

 

 

Hindi man nagkatuluyan ang kanilang mga magulang ay nanatili namang mabuting magkaibigan ang mga ito.

 

 

Nakaraan nga lamang ay ibinahagi ng kanilang ina ang pagdalaw ni Jeric sa kanila kasama ang iba pa nilang mga kapatid.

 

 

Anong say mo? Sino ang mas gwapo ang tatay o ang anak?

Marjorie Barretto pinuri ang pag-aalaga ni Gerald Anderson sa kanyang anak na si Julia Barretto

Pinakatatago ni Daniel Padilla di umano sumilip, ibinuking ni Zanjoe sa isang video