in

Jaclyn Jose gusto na din sumali sa simpleng buhay ng anak na si Andi Eigenmann sa Siargao

Beteranang aktres na si Jaclyn Jose, Soon to live an island life na din ba?!

Bilang ina ay hindi maitago ni Jaclyn Jose ang kanyang tuwa sa masayang buhay pamilya ni Andi Eigenmann. Kasama ang kanyang asawang si Philmar Alipayo at mga anak.

Dahil sa kaniyang beautiful island posts at wise knowledge na nababahagi sa mga followers, nakikitang goals na ng netizens especially ng fans ni  Andi ang masayang buhay sa isla.

Bukod sa magandang impluwensya ng maliit na isla ng Siargao kay Andi, nababahagi niya na din ito sa kaniyang 3 million plus followers at almost 3 million subscribers sa kanilang YouTube vlog ang Happy Islanders.

Mukhang hindi lang si Andi ang nakakakita ng benefits of living in an island. Pati ang ina nito  na si Jaclyn Jose ay nahahalina din.

Kaya naman sa isang post ni Andi ay kinaaliwan ng mga netizens ang komento nito kaugnay sa “masarap na buhay” ng mag-anak. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali.

Sa recent Instagram post kasi ni Andi na-share nito ang kanilang “super chill and comfy” picnic. Kasama ang mga anak na si Lilo, Koa, at ang soon to-be-husband nito na si surfer/athlete na si Philmar Alipayo.

“Fam picnic in the buyodz! Koa was super chill and comfy on his mat and got to taste some fresh green grass too, lilo also had a blast exploring, befriending cows…” caption ni Andi.

“Sarap buhay pasali?!” komento ni Jaclyn. Na agad namang sinagot ni Andi ng, “Halika na rito nanay!”

Kaya tanong tuloy ng marami ay naiisip na kaya ni Jaclyn na magretire sa showbiz. At mamuhay na din sa Isla ng Siargao.

Pinakatatago ni Daniel Padilla di umano sumilip, ibinuking ni Zanjoe sa isang video

Francine Diaz at Seth Fedelin? Totoong relasyon di umano nabuko sa mga tiktok vids?