in

Huling sandali ng sikat na artist na si Bree Jonson bago ito mamaalam sapul sa CCTV

Nababalutan pa rin ng maraming katanungan ang biglaang pamamaalam ng Filipino painter na si Breanna Jonson, o Bree.

Ibinahagi ng mga otoridad ang CCTV footage kung saan huling nakita na magkasama ang  si Bree Jonson kasama ang nobyo nito na si Julian Ongpin na isang anak ng bilyonaryo.

Sinasabing nakita sa CCTV ang pag-aaway nina Bree at Julian na labas-pasok umano sa kanilang kuwarto bago nangyari ang insidenteng pamamaalam ng dalagang pintor.

Sa nasabing CCTV footage ay makikita si Jonson at Ongpin habang tila nagtatalo sa labas ng kanilang kwarto sa isang hotel sa La Union.

Makikita na unang makikita si Ongpin na lumabas ng kanilang kwarto at nag umpisa itong uminom ng wine.

Sumunod naman sa labas si Jonson na makikitang umiinom din sa mga sandali na ‘yon. Hindi malinaw kung ano ang ginawa ni Julian sa fourth floor.

Pero pumasok daw ulit ito ng kuwarto, at kaagad ding lumabas kaya muli itong nakita sa CCTV. Sa labas ng kuwarto namataang sinubukang akyatin ni Julian ang bintana ng CR nila ni Bree.

Matapos ang mga pangyayari sa nasabing CCTV footage ay natagpuan ng walang bu’hay sa loob ng kanilang kwarto si Jonson.

Ayon sa mga otoridad ay kakulangan sa hangin ang naging dahilan.

Nadiskubre din ng mga otoridad na positibo ang visual artist sa pinagbabawal na 6amot. Kapareho ng kanyang nobyo na si Ongpin.

Nakita din ang ilang bakas ng pinagbabawal na 6amot sa kama ng kwarto nila.

Binanggit ng legal team ng pamilya ni Bree ang diumano’y “signs of struggle”. Na nakasaad sa isinagawang initial autopsy ng labi ng dalaga.

Xian Gaza, Nainsulto sa isang partido na nag offer sa kanya ng P100K. “Do I look poor? So barya. Nakakainsulto!”

Faith Da Silva, may makahulugang pahayag tungkol sa totoong relasyon na nabuo sa kanila ng Veteran Actor na si Albert Martinez