in , ,

Faith Da Silva, may makahulugang pahayag tungkol sa totoong relasyon na nabuo sa kanila ng Veteran Actor na si Albert Martinez

Faith Da Silva, may pahiwatig nga ba sa kung ano ang totoong estado ng relasyon niya kay Albert Martinez?

 

Tila naging isang malaking ideya sa marami kung ano talaga ang relasyon na namamagitan sa 20-year-old actress at sa 60-year-old veteran actor.

 

 

Naging guest kasi si Faith nina Boobay at Super Tekla sa kanilang The Boobay and Tekla show, ang comedy talk show ng Kapuso network nitong September 26.

 

 

Hindi na napatumpik tumpik pa ang dalawang hosts para usisain ang anak ng dating aktor na si Dennis Da Silva tungkol sa kauganyan nito kay Albert.

 

 

Si Albert at Faith ay magkakasama sa upcoming drama ng GMA-7 na Las Hermanas.

 

 

Pahayag ng aktres, “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.”

 

 

Sinabi ng dalaga na malaki daw ang pasasalamat niya sa aktor dahil ito daw ang nag guguide sa kanya sa pag arte.

 

 

Nang tanungin naman kung handa ba siya magmahal ng mas matanda sa kanya:

“For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.” 

 

 

Hindi daw importante ang edad kay Faith pag dating sa pagmamahal.

 

 

Pahiwatig nga ba ito na mayroon talagang ugnayan ang 20-year at ang beteranong aktor? Sa palagay niyo?

 

Huling sandali ng sikat na artist na si Bree Jonson bago ito mamaalam sapul sa CCTV

Marjorie Barretto pinuri ang pag-aalaga ni Gerald Anderson sa kanyang anak na si Julia Barretto