in ,

Dating sikat na singer wala na sa katinuan, sa kalye na lamang naninirahan

 

Nakakahabag ang kalagayan nang dating contestant ng Protégé Season 1 na si Lovely Embuscado.

 

 

Sa kabila nang glamorosong buhay ng mga celebrity, masasabi paring walang katiyakan sa mundo ng showbiz.

 

 

Maaaring sikat ka ngayon ngunit sa isang iglap lang ay maaari ka rin mapalitan ng ibang artista.

May mga celebrity rin na bigla na lamang nalalaos at tuluyang namamaalam sa limelight, isa na dito ay ang dating Kapuso singer na si Lovely Embuscado.

 

 

Na ngayo’y nakatira na lang diumano sa kalye, together with her parents. Ang dating mentor niya sa Protégé na si Jaya ay nag-over-da bakod na sa ABS-CBN.

 

 

Nakita raw ng isang entertainment press ang pamilya ni Lovely nang mapadaan ito sa isang kal­ye sa Quezon City.

Napuna raw niya ang isang babae na somewhat familiar ang hitsura.

 

 

Nang kanyang lapitan, nakumpirma niyang ito na nga si Lovely Embuscado, the singer from Tagum, Davao, na dati’y tinaguriang “The Singing Cinderella” na minsa’y naging bahagi rin ng show business.

 

 

Former talent din si Lovely ng GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA-7.

She appeared in some Kapuso Network shows the likes of Party Pilipinas, Magpakailanman, and The Half Sisters.

 

 

Ayon sa kanyang ina na si Daisy, isang linggo na raw silang nakatira sa kalye at nabubuhay lang sa pamamagitan nang panghihingi ng pagkain sa simbahan para mabuhay.

 

 

Napansin din umano na tila may pinagdaraanan na depre’ssi0n si Lovely. Tulala ito at parang maliit na bata na kung magsalita.

 

 

Pinilit siya ng kanyang ina na kumanta, pero habang kumakanta, napahagulgol ng iyak ang dating Kapuso talent.

 

 

Base sa artikulo mula sa PEP, nagsagawa umano ang isang doktor ng mga tests para masuri si Lovely.

 

 

Ayon sa doktor, si Lovely umano ay mayroong schiz0phr3nia na dahilan kung bakit may mga oras na kinakausap nito ang kaniyang sarili na mag-isa.

Kilalanin ang bunsong kapatid ni Andrea Torres na si Kenneth, ang lucky charm sa buhay ng aktres

Claudine Barretto planong tumakbo bilang konsehal sa Olongapo sa darating na eleksyon sa 2022