in

Claudine Barretto planong tumakbo bilang konsehal sa Olongapo sa darating na eleksyon sa 2022

Binabalak umano ng aktres na si Claudine Barretto na pasukin na din ang pulitika.

Inanunsyo ng Bangon Olongapo nitong Biyernes na tatakbo si Claudine bilang konsehal ng Olongapo City.

Ka-ticket niya rito ang starmaker at kanyang talent manager na si Arnol Vegafria, na tatakbong mayor.

Makikita rin sa local slate ng grupo si JB Saliba, na 2019 Mr. World Philippines titlist, na tatakbo rin bilang konsehal.

Sa Facebook, may ginawa na ring official page ang Bangon Olongapo 2022 para sa team nina Vegafria, Barretto, Saliba, at iba pa.

Ito ang unang pagkakataong sasabak sa pulitika si Claudine. Mababatid na ang 42-anyos na si Claudine ay nagsimula sa pag-aartista noong 1992.

Kinilala ang aktres bilang “Optimum Star” noong kalakasan pa ng showbiz career nito noong 90s at noong maagang mahagi ng 2000.

Nitong mga nakaraang taon ay naging laman siya ng headlines nang maging kontrobersyal ang awayan ng Barretto sisters at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya, na kinabibilangan nina Gretchen at Marjorie at pati na rin ng pamangkin nito na si Julia.

Pang ilan na si Claudine sa mbga artistang nagpahayag ng kanilang pagtakbo sa darating na eleksyon.

Noong September 21, nagdeklara na si Jolo Revilla ng kanyang intensiyong tumakbo bilang kongresista sa unang distrito ng Cavite. Matatapos na ang kanyang tatlong termino bilang bise gobernador ng lalawigan.

Sumapi rin si Jolo sa LAKAS-CMD party kasama ang Kapamilya actor na si Nash Aguas. Na tatakbo namang konsehal sa Cavite City.

Nagpahiwatig na rin sina Aiko Melendez at Arjo Atayde na tatakbong kongresista sa kanilang distritong kinabibilangan sa Quezon City.

Pati na din ang aktor na si Ejay Falcon ay naghayag na din na kakandidato siya sa Mindoro.

Dating sikat na singer wala na sa katinuan, sa kalye na lamang naninirahan

Aiko Melendez ipinagtanggol ang mga delivery riders laban sa mga reklamador na customer