in

Aiko Melendez ipinagtanggol ang mga delivery riders laban sa mga reklamador na customer

To the rescue ang aktres na si Aiko Melendez sa mga delivery riders na nakakatanggap ng diskriminasyon.

Sa panahon ngayon isa ang mga delivery riders sa tinaguriang frontliners. Nakakatulong kasi sila lalo na sa mga taong stay at home lang talaga.

Ngunit sa mga nakalipas na buwan ay maraming customer ang kumekwestyon sa mga magigiting na delivery riders.

Kaya naman nagbigay ng pahayag si Aiko Melendez para depensahan ang mga delivery riders. Mula sa mga customer na reklamador.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Aiko ang kanyang saloobin hinggil dito kasabay ng pakiusap na mas maging mabait at maunawain sa mga riders.

“Madalas akong magpadeliver sa mga delivery food apps, Like Grab, Lalamove, Toktok at iba pa… minsan me mga deliveries sila sa akin na di ako satisfied,” simulang pahayag ng aktres.

“Pero hindi ako aabot sa oras na icall out ko pa sila. Kasi kung tutuusin unti lang naman ang kinikita nila. Dito pumapasok ung pabayaan nyo nalang ang mga maliit na bagay.

“Lalo na kapag mas nakakaluwag tayo than them diba. Nahaharap tayo sa isang situation na di naten lahat gusto, Yan ang pandemya.

“Maraming pagkakataon ang dami ko gusto sabihin o share na sinasaloob ko na lang lalo na kung di naman ako umaabot na maghihirap ako sa mga pagkakataon na di ako masaya sa mga maliliit na bagay,” pag-amin pa niya.

“Sa dami ng walang trabaho ngayon wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaaring maglagay sa tao na mawalan sya ng pinagkakakitaan.

“Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan,” sabi pa ng aktres gamit ang hashtag na #AikoLangNamanYan.

Claudine Barretto planong tumakbo bilang konsehal sa Olongapo sa darating na eleksyon sa 2022

Kris Bernal tied the knot, walks down the isles with stunning wedding gown on her wedding day