in

Kilalanin ang bunsong kapatid ni Andrea Torres na si Kenneth, ang lucky charm sa buhay ng aktres

Bilang isang mapagmahal na ate, ipinasyal ni Andrea Torres ang kanyang “lucky charm”. Ang bunsong kapatid niya na si Kenneth.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Andrea ang pag-stay nila sa The Farm at San Benito. Isang kilalang resort sa Batangas.

Kung saan kasama niya ang kanyang bunsong kapatid na si Kenneth na “lucky charm” kung ituring ng aktres.

Lingid sa kaalaman ng marami, na pangalawa sa bunso sa kanilang limang magkakapatid ang Kapuso actress. Humiling umano si Andrea noon sa kanyang ina ng isa pang kapatid dahil nais niyang matawag din na ate.

At natupad naman ang kanyang kahilingan at isinilang nga si Kenneth. Kaya naman bilang magkasunod na anak ay super close ang dalawa.

Si Kenneth ay mayroong special needs, kaya naman ito ay talagang kinakailangang bantayan at paglaanan ng oras.

Kaya naman ng magkaroon ng free time ang aktres ay nagbakasyon sila sa Batangas. Ilang larawan at video ang ibinahagi ni Andrea sa kanyang Instagram account.

Kung saan makikitang nag-enjoy ang kanyang pamilya sa The Farm at San Benito.

Pagbabahagi nga ni Andrea sa kanyang caption, “One of the things we were aiming for was to get Kenneth to walk here so he can have exercise while breathing in fresh air and sunlight Achieved! Yay!”

Pinasalamatan din niya ang staff ng resort sa pag-aasikaso ng mga ito sa kanyang kapatid at pagbibigay ng comfortable stay.

“Big big BIG thank you to the staff of the @thefarmatsanbenito for going out of their way to make sure he’s given the best and most comfortable stay”

Cristy Fermin pinayuhan si Jinkee Pacquiao na matuto na itong mamili ng gamit sa Divisoria

Dating sikat na singer wala na sa katinuan, sa kalye na lamang naninirahan