in

Cristy Fermin pinayuhan si Jinkee Pacquiao na matuto na itong mamili ng gamit sa Divisoria

Tila walang katapusan ang ginagawang patutsada ni Cristy Fermin sa misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.

Sa online show ni Cristy ay muli na namang binanatan ng kolumnista si Jinkee. Ukol sa mahabang post nito sa Instagram para sa asawang si Sen. Manny Pacquiao.

Sa nasabing post ay ibinahagi ni Jinkee ang kaniyang lubos na pagsuporta sa asawa. Na nag-anunsyo ng pagkandidato nito sa pagka-presidente sa darating na eleksyon 2022.

Aniya bilang asawa ay buong puso niyang susuportahan si Manny sa panibagong yugto nito bilang isang politician.

At nang mabasa ito ni Cristy, muli na naman siyang nagbigay ng kanyang saloobin ukol sa pahayag ni Jinkee.

“‘Yung pahayag naman ni Ms. Jinkee Pacquiao sa kanyang IG post na sinabi niyang may basbas ng Panginoon ang pagtakbo ni Sen. Manny Pacquiao sa panguluhan, katulad rin daw noong walong sinturon sa iba’t ibang dibisyon na siya ay pinagpala ng Diyos kaya niya nakuha,” saad ni Cristy.

Totoo naman daw ang kasabihan na hindi matutuloy kung walang basbas ng Diyos. Maaari daw na hindi matuloy at magkaroon ng hadlang kung hindi para sa’yo ang isang bagay ngunit kung may basbas ng Diyos ay siguradong mapapasayo ito.

Pag gigiit pa ni Cristy na mabuti pa ay simulan na umano ni Jinkee ang mamili sa Divisoria kung nangangarap umano ito maging first lady para hindi raw mailang sa kaniya ang mga tao kapag panahon na ng kampanya.

Itabi muna raw ni Jinkee ang mga branded na pag-aari niya sa closet dahil ang isang nangangarap na first lady ay modest daw.

At para na rin hindi mailang ang mga tao na lapitan sila kung sakaling manalo si Manny sa eleksyon.

Kristine Hermosa sa ‘ad0pted’ eldest son: ‘Hindi Aksidente na binigay ka Niya sa Amin

Kilalanin ang bunsong kapatid ni Andrea Torres na si Kenneth, ang lucky charm sa buhay ng aktres