in

“Pusong Bato” composer na si Renee ‘Alon’ dela Rosa namaalam na sa edad na 61

Namaalam na ang composer na si Renee “Alon” dela Rosa. Na siyang nasa likod ng OPM hit song na “Pusong Bato.”

Nangyari ito noong Setyembre 15, Miyerkules ng bandang 6:00 a.m., sa labas ng isang ospital sa Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Ang anak ni Alon na si Justine dela Rosa, ang nagpaabot ng malungkot na balita. Hindi binanggit ni Justine ang dahilan ng pagpanaw ng ama.

Pero sa nauna niyang post, sinabi niyang nahihirapan silang makahanap ng ospital na mapagdadalhan sa kaniyang ama.

Bandang 5:00 p.m. saad FB post ni Justine, “ASAP: Need Oxygen Tank na may laman. at Private Hospital na rin po around QC na may avail na room po, please”

Pagkalipas ng tatlong oras, nanawagan muli si Justine “Badly needed, private hospital with available room,” saad niya nitong Martes.

“Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko,” ayon pa kay Justine.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ibinahagi ng kanyang asawang si Raquel Hernandez na binawian ng buhay si Alon sa Novaliches District Hospital, 7 a.m.

“Naka-oxygen siya dahil may oxygen tank kami. Hindi namin matanggap na hindi siya nabigyan ng first aid man lang o dextrose,” ani Hernandez, Miyerkules.

Umabot sa 30 ospital ang tumanggi kay Alon habang naghahanap ng emergency treatment ang kanyang pamilya sa loob ng dalawang araw.

Dagdag pa ni Racquel, nagkasakit si Dela Rosa noong nakaraang linggo. Nasiraan daw siya ng sasakyan, naulanan at sumama ang pakiramdam matapos kumuha ng mga saku-sakong bigas mula sa kapwa mang-aawit na si Fredie Aguilar, na siyang galing kay Sen. Manny Pacquiao.

Paolo Contis gusto ng makipag-ayos kay LJ Reyes, Lolit Solis tinirada na naman ang alaga

Kristine Hermosa sa ‘ad0pted’ eldest son: ‘Hindi Aksidente na binigay ka Niya sa Amin