in

Paolo Contis gusto ng makipag-ayos kay LJ Reyes, Lolit Solis tinirada na naman ang alaga

Binira na namang muli ng batikang kolumnista na si Lolit Solis ang kanyang alaga na si Paolo Contis.

Sa nakaraang episode ng digital talk show nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. FU na Take It Per Minute. Naging topic nanaman nila ang kontrobersyal ngayon na aktor na si Paolo Contis.

Ayon kay Manay Lolit ay nagba-bible study daw ngayon si Paolo habang ito ay nasa taping ng bago niyang serye sa Kapuso.

Pinahayag naman ni Mr.FU na narinig daw niya na nais na umano ni Paolo na makipag-ayos sa dating partner na si LJ Reyes.

“Pero gusto na raw niyang makipag-ayos kay LJ,” turan ni Mr. Fu. Banggit naman ni Manay Lolit, “Hindi naman ganun.”

“Ibig lang sabihin, kahit naman sinong tao kapag malalim ang problema, gusto nating maayos. Pero hindi yung sasadyain niya sa New York si LJ,” paliwanag naman ni Cristy.

“Naku, wala siyang pamasahe noh, Tumigil siya,” prankang komento naman ni Many Lolit ukol dito.

Dagdag pa nga nito kailangan daw mangutang ni Paolo para makita niya si LJ at anak nilang si Summer. Na ngayon ay namamalagi na sa New York.

At dahil dito pabirong naitanong naman ni Cristy, “Teka, ba’t yung mga alaga mo, walang pera?”

Ayon kay Lolit meron daw pera si Paolo pero hindi daw sasapat para makabyahe sa ibang bansa ng ganun ganun na lang.

Panigurado daw siyang wala itong ipon at pabiro pang sinabi na naubos na dahil sa pagpunta punta sa Baguio.

In short pang Baguio lamang daw ang budget ni Paolo at hindi nito afford ang makapunta ng New York para suyuin si LJ.

Narito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Jinkee Pacquiao nagpakita ng suporta para sa asawang si Manny Pacquiao sa pag takbo nito bilang presidente

“Pusong Bato” composer na si Renee ‘Alon’ dela Rosa namaalam na sa edad na 61