in

Mabilis na pagpayat ni Angel Locsin pinamangha ang maraming netizens

Marami ang napa-wow at napahanga sa latest photo ng aktres na si Angel Locsin.

Mukhang effective nga ang 800 calorie diet sa mga nais numipis ang kanilang body figure. Kapansin-pansin kasi ang pagpayat ni Angel Locsin sa kanyang latest Instagram post.

Agaw atensyon nga sa social media ang mga larawan ni Angel. Kung saan makikita ang laki ng nabawas sa kanyang timbang.

Ayon sa caption ng kaniyang Instagram post, “Remember to love every inch of you.”

Makikita sa kanyang larawan na nakasuot si Angel ng all black, at sa mirror selfie niyang iyon ay makikitang bumabalik na ang kanyang dating kaseksihan.

Ilan sa mga celebrity friends na nagbigay ng komento sa kaniya ay sina Angelica Panganiban, Dimples Romana, Raymond Gutierrez, Maricar Reyes-Poon, Zsa Zsa Padilla, Tim Yap, at Anne Curtis. Maging ang batikang broadcaster na si Karen Davila ay napabilib din.

Pati ang mister niya na si Neil Arce ay nagbiro pa at napasabing “on my way” sa comment section.

Nito lamang Hunyo nang simulan ni Angel ang kanyang fitness journey sa pagpapapayat sa pamamagitan ng pagbabawas ng kinakain at hindi dapat sumobra sa 800 calories.

Hindi binanggit ni Angel kung ilang araw ang itatagal ng kaniyang diet at kung kailan kaagad makikita ang resulta. Subalit batay sa website ng health clinic na nagbigay nito sa kaniya, ito ay “chef-curated and nutritionist-approved.”

Matatandaang nagsimulang lumobo si Angel dahil sa mga gamot na kaniyang iniinom, kaugnay ng kaniyang problema sa spine.

Ayon naman sa nakalipas na panayam ni Angel na mahal niya ang sarili niya. Kaya kahit ano pang panglalait sa kanyang katawan ay hindi niya pinapansin.

Kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero nagbigay ng kanyang mensahe para kay Mygz Molino

Binansagang Badjao Girl na si Rita Gaviola nagbabalak sumali sa Miss Universe soon