in

Kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero nagbigay ng kanyang mensahe para kay Mygz Molino

Binasag na ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang kanyang katahimikan ukol sa biglaang pamamaalam ng komedyana.

Ibinahagi din niya ang kanyang panghihinayang sa hindi naresolbang pagtatalo nila isang linggo bago mamaalam si Mahal.

Nagbigay pasasalamat si Irene na nakabase na sa Cleveland, Ohio, sa mga nakiramay sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng virtual interview nito kay Boy Abunda.

“Parang ang mundo, lumiit para sa kaniya. Nagsama-sama. Maraming salamat sa kanila,” saad ni Irene sa mga tumulong at nagbigay ng donasyon.

Inilarawan ni Irene ang pagsasamahan nilang apat na magkakapatid. Si Mahal ang panganay at sinabi nitong napakamaaalalahanin ng komedyana.

Ani Irene, “Panganay siya, pero bunso sa amin ‘yan. Napakalambing, maalalahanin. Araw-araw ‘yan, nag-mi-message, lalo ngayong may online. ‘Kumain ka na? Kumusta ka na? Natulog ka ba?’ Hindi ‘yan nakakalimot.”

Si Mahal din ang tumulong financially kay Irene para makapag migrate siya sa US. Ang huling pag-uusap daw nila ay isang linggo bago magkasakit si Mahal.

“Ito ang pinaka masakit sa lahat, Yung last naming nagkausap, a week before siya nagkasakit, nagkatampuhan kami. Kasi namatay na si Papa. Sabi ko sa kaniya, ‘Umuwi ka muna, mag-grieve ka muna kay Papa. Kailangan mo ‘yan, e.,” pagbabahagi ni Irene.

Naninirahan kasi si Mahal sa Batangas kasama ang kanyang “special friend” na si Mygz Molino. Ibinahagi din ni Irene na nagtalo pa sila ni Mahal at ito daw ay kanyang labis na pinagsisihan.

“Sana wala na lang ako sinabi, hinayaan ko na lang. Maybe ‘yung bigat na nararamdaman ko, hindi sana ganito. Kasi minahal ko ‘yan,” paglalahad nito.

Sinabi naman ni Irene na hindi si Mygz ang dahilan ng kanilang pagtatalo. Nagpapasalamat pa nga siya sa binata dahil sa pag-aalaga nito kay Mahal.

Narito ang full interview:

Aktor na si Ejay Falcon inalala ang kanyang trabaho noon sa Mindoro na isang kargador

Mabilis na pagpayat ni Angel Locsin pinamangha ang maraming netizens