in ,

Matapos ang matinding pagsubok, Jiro Manio maayos at tahimik na muli ang pamumuhay! Ready na ba ulit sa showbiz?

Naalala niyo pa ba si Jiro Manio? Siya ang isa sa mga magagaling na child star noong dekada 90.

 

 

Muling napanood ng madla si Jiro matapos ang mahabang panahon na pag lisan nito sa mundo ng showbiz.

 

 

Sa naging pilot episode ng programa ng Star Image Digitial na Take Two, naging guest ang dating child star.

 

 

Bilang isang mahusay na aktor noon, hindi nawala ang tanong ng hosts sa kanya,

“Kung bibigyan ka ulit ng pagkakataon umarte sa showbiz, handa ka na ba?” 

 

 

Aminadong sagot naman ni Jiro,

Hindi ko muna masasagot ‘yan kasi busy ako sa simpleng buhay ngayon… Marami ako natutulungan sa simpleng paraan. Saka plano ko pa rin makapag-aral.” 

 

 

Huling nabalitaan si Jiro nang makita siya sa hindi maayos na kalagayan. Kung matatandaan, napabalitang naligaw ng landas ang dating aktor noon.

 

 

Sa ngayon, maayos at simple na daw ang kanyang pamumuhay. Sa katunayan, ibinahagi niya na tumutulong na siya sa mga taong naligaw din ang landas katulad niya.

“Yung binuno ko nun sa rehabilitation center, nagtayo kami ng advocacy program tapos meron silang priority kung tawagin pero di pa nila na papassed lookout kasi nga wala silang pambili ng gamot, kulang yung gamit sa gobyerno,”  

 

 

Makikita ang malaking magandang pagbabago sa itsura ni Jiro ngayon kung ikukumpara noong namataan siyang palaboy laboy. Ito ay dahil sa full support ng institutusyon sa kanyang pagbabago.

 

 

Pagbabahagi pa ng aktor, bukod pa sa kanya ay maraming natutulungan ang rehabilitation center na mga taong nagbabagong buhay na.

“So ang nangyari nag focus sa mga nagbabagong buhay dun, binigyan nila ng sponsorship ayun ‘yung tinatawag na after care program.

 

Sa pamamagitan nito ay nabigyan din si Jiro nang pagkakataon upang makapagtrabaho sa kanila.

“Tapos napasok nila ako dun ang ga dgawin pala kinontrata nila ako tapos magtatrabaho ako sa kanila.

 

 

Nang maitanong naman kung ano ang namimiss niya bilang artista. Saad ni Jiro ay yung mga adventure at kung saan saang lugar siya nakakapasyal.

Hindi naman maikakaila ang husay ni Jiro Manio sa pag arte. Nagmarka na ang kanyang pangalan sa murang edad pa lamang sa mundo ng showbiz.

Kailan nga ba ulit mapapanood ang galing sa pag arte ng isang child wonder Jiro Manio?

Video ni KC Concepcion na ginaya ang Filipino Daring Accent kinagigiliwan ngayon sa social media

Ano pipiliin mo para sa kanya? Robin Padilla nag pa-online poll sa netizens kung PELIKULA o PUL1TIKA