in ,

Ano pipiliin mo para sa kanya? Robin Padilla nag pa-online poll sa netizens kung PELIKULA o PUL1TIKA

PELIKULA O PULITIKA?

 

 

Ito ang naging katanungan ng action star na si Robin Padilla sa netizens.

Sa kanyang naging Facebook live, humingi ng payo ang aktor mula sa kanyang mga fans at followers. Nabahagi niya dito ang kanyang balak na pagtakbo sa Senado para sa halalan 2022.

 

“Sobrang naguguluhan ako… Kayo na po ang mag-desisyon, pulitika o pelikula?”

Ayon pa sa action star, binalak niya na daw noon tumakbo bilang governor ng Camarines Norte noong 2018. Pero umatras daw siya nang malaman niya na kailangan niya ng at least 150 million pesos para sa campaign budget.

 

 

Naging dahilan din daw ng kanyang pag atras noon ang mga kailangan niyang gawing pabor sa mga taong dapat uutangan niya sa budget.

 

 

Sa ngayon, may options daw si Robin na tumakbo bilang senador, governor ng Camarines Norte o mayor ng Jose Panganiban, Camarines Sur.

Pero nag aalangan naman ang aktor dahil may mga nakalatag na projects daw sa showbiz para sa kanya.

 

 

Muling mapapanood ang asawa ni Mariel Padilla sa mga pelikulang Bad Boy 3 at Mistah 2.

Isa si Robin sa mga active supporter ng kasalukuyang administrasyon. Bukas ang kanyang pagiging Duterte Supporter sa mga tao na makikita sa kanyang online posts.

 

 

Kaya ang online poll ni Robin sa netizens, “Sobrang naguguluhan ako… Kayo na po ang mag-desisyon, pulitika o pelikula?”

 

 

Ano po palagay niyo dito?

Matapos ang matinding pagsubok, Jiro Manio maayos at tahimik na muli ang pamumuhay! Ready na ba ulit sa showbiz?

Alice Dixson unti-unti ng ipinapakilala sa publiko ang tatay ng kanyang anak na si Aura